Kung pwede lang kitang mayakap para muli mong maramdaman ang pagmamahal ko sa iyo. Kung pwede lang kitang hagkan upang malaman mo ang lalim ng pagibig ko.
Kung pwede lang tawirin ang layo sa pagitan natin, noon pa'y ginawa ko na.
Kung alam ko lang ang paraan upang mawala ang sakit ng nararamandaman ko maliban sa iyong pagbalik,
Kung alam ko lang kung paano ka babalik
Kung alam ko lang...lahat ginawa ko na. dahil hirap na hirap ako ngayong wala ka...ngayon iniwanan mo ko. mahal na mahal kita dhie. mahal na mahal.para akong sira na gustong magmakaawa sa iyo..kahit man lang sana awa na lang.pero alam ko buo na ang desisyon mo. kung alam mo lang kungpaano ko pigilan ang sarili ko na tawagan ka, iemail ka, dahil alam ko kailangan mong mawala na ako sa iyo. Alam ko ako ang sagabal sa lahat ng plano mo. Kung sanang kaya kong baguhin ang mundo. Gagawin kong ako na lang ang piliin mo. Ngunit lahat ng gusto ko, alam kong hindi ko magawa dahil hindi na ito ang gusto mo.