Magturo O turuan?
My Heart lives in the serenity of sincerity and in the beauty of fidelity... in the harmony of destiny...in the obedience of God's will...and in the essence of love. This blog narrates the things that come around and even the slightest idea that passes my mind, and that somehow touches my heart. This blog contains my expressions, ideas, interests and experiences...When I write, I write with my heart. -and this is "My Heart's Sanctuary."
Magturo O turuan?
Relax. Magpahinga daw bago ako matulog. Yan ang payo sa akin upang hindi na daw maulit ang nagyari noong nakaraang Sabado. Kakatapos ko lang sa mga trabaho ko. Kaya bago ako matulog, kailangan ko munang irelax ang sarili ko. Para yang laro, bago ka maglaro kailangan mong magwarm-up at pagkatapos mong maglaro, kailangan mong magcool down.
Heto nga at lagi ko ng katabing matulog si mama, kasi para mabantayan daw ako. Lubos na nag-alala sa akin. Napapagalitan na nga dahil sa puyat at sa dami ng ginagawa. Hindi ako nagrereklamo. Ako din naman ang may gustong magtrabho (para mabuhay), at ako din ang kusang tumanggap ng mga part time works, at itong lingo pa na ito, may panibagong trabaho pa ako, (wala pa ang mga extra works sa school). Kaya nga, Mula 730AM hanggang 830PM, kumakayod pa... Sabi nila, pahinga ka naman,.. pero sabi ng iba, OK lang yan,,,paparoon at giginhawa din. Uulitin ko, hindi ako nagrereklamo. Nilalabas ko lang ang lahat ng pagod na meron ako. Wala namang masama.
Minsan lang akala ng iba na kung ano ano na lang isinusulat ko. Naiintindihan ko ang mga komento. dahil naiintindihan ko na iba iba ang opinyon ng tao..at ang higit sa lahat, naiintindihan ko na hindi naman nila talaga ako kilala.
Madalas, ang pagsusulat ang aking outlet. Magandang theraphy, sabi nila. Therapy? wala akong malubhang sakit. theraphy ito sa pagod na katawan, isipan at pakiramdam...ika nga phychomotor, cognitive, at affective. Lahat ng iyan napapagod lalo pa at ibinibigay yan ng bonggang bongga. Tulad ng sabi ko, wala namang malubhang sakit doon. At para sa akin, wala din namang masama. Sabagay, hindi naman lahat interesado sa mga sinusulat ko. Kaya hindi rin naman lahat nakakabasa ng mga ito. sino nga bang magaaksaya ng panahon sa mga ganito? Yun lang namang mga taong interesadong makilala ako, interesadong maintindihan at malaman ang mga ginagawa at nararamdaman ko. Eh konti lang naman ang mga iyon. Bilang na bilang.
Bakit ito outlet? Bakit naman hindi? Kasalanan ko bang maging unica? Ano bang magagawa ko kung halos lahat ng mga kaibigan ay busy sa kanya kanyang trabaho at buhay? Inuulit ko, hindi rin ito reklamo. Ang ibig ko lang sabihin, wala akong gaanong mga kaibigan na pwede kong pagsabihan lahat lahat. Piling-pili lang naman kasi mga kaibigan ko. Ayoko kasi ng maraming kaibigan, kasi marami na ang mga taong hindi totoo...ganoon din ang mga kaibigan. At kung iniisip ng iba na sinasabi ko na lahat lahat sa mga isinusulat ko, hindi rin iyon totoo. Marami paring limitasyon at mga bagay na hindi naisusulat. Dahil marami pa ring mga bagay na hindi kayang idaan sa pagsusulat..tulad ng mga sikretong nararamdaman, mga taong hindi pwedeng pangalanan, mga karanasan na mas mabuti nalang na makalimutan..marami..mrami pa. Bakit outlet? Bakit hindi?
Matutulog na ako. Salamat sa gabi. Salamat at natapos na ang unang bahagi ng aming pananaliksik. Marami pang gagawin bukas. marami pa. Ano man iyon? Bukas na lang. Pero alam ko, bukas may bago na akong numero sa cellphone. salamat naman!
Sept. 15, 2010
Josh
Distansya. Distansya ang malimit na dahilan na ibinibigay ng mga nasa relasyon kung bakit sila nagkasiraan. Kaya nga palaging pinag-uusapan ang paniniwala sa long distance relationship, kung ito ay posible o hindi. Hindi na mahalaga sa akin kung posible ito o hindi. Kung tunay na aanalisahin, hindi naman iyon ang usapin. Ang tunay na usapin doon ay kung ano nga ba ang long distance relationship.
Madalas banggitin ito kapag ang dalawang tao ay malayo sa isa't isa. Literal na distansya, ika nga. Kapag ba ang isa ay nasa hilaga at
ang isa ay nasa timog; kapag nasa magkaibang bansa; o kaya'y ang isa ay nasa syudad, habang ang isa ay nasa probinsya? Ito nga ang literal na distansya na namamagitan sa kanila. Pero ito nga ba ang basehan ng long distance relationship? Kapag ba ang isang tao ay nasa kabilang barangay lang, hindi na ba iyon long distance?
Sa aking paniniwala, dala na rin ng mga karanasan sa buhay, hindi ito ang tunay na kahulugan ng distansya. Hindi ito ang sukatan ng relasyon. Ngunit tunay na mahirap ang magkalayo, ang hindi pagkikita sa araw araw, linggo-lingo, o maging buwan-buwan...Alam kong mahirap iyon dahil araw-araw nariyan ang pangungulila. Pero ganoon pa man, hindi ito ang hirap sa long distance relationship. Hindi ito.
Sa lubos na pagmamahal at pagpapahalaga, karanasan ang nagturo sa akin upang maintindihan at lubusang maunawaan ang mga tunay na kaganapan at kahulugan ng mga pangyayari at ng buhay. Aking natutuhan na ang long distance relation ship ay hindi ang malayong milya na nakapagitan sa inyong dalawa kundi ang nagkalayong paniniwala, paninindigan at prioridad sa buhay. Ito ang tunay na long distance relationship. Kahit gaano man kalayo, kung tunay ang pagpapahalaga sa pagmamahalan at pinagsamahan, hindi kailanman magiging dahilan ang distansya.
Laro. Ito ang aking ginawa ngayong maghapon. Hindi naman ang maging magaling sa isport na ito ang aking habol. Mas nananaig sa akin ang mag-enjoy at makabonding ang mga kaibigan at pinsan..at maaring makahanap ng mga bagong kaibigan. Nananaig din sa akin ang magkaroon ng libangan na kapakipakinabang at makakatulong sa akin upang ilayo ko ang sarili ko sa nakakasukang pagod at pressure na dala ng trabaho at iba't ibang bagay sa aking buhay. Minsan kailangan din ang magpalipas oras..ang magliwaliw...ngunit dapat ito ay may mabuting maitutulong sa akin.
Masarap maglaro ng badminton. Hindi ako magaling, alam ko iyon. Baguhan kung tutuusin. Pero hindi iyon hadlang upang hindi ko magustuhan ito. Lahat naman ay nagsisimula sa pagiging baguhan. Tulad ng sabi ko, masarap ang maglaro ng badminton. DAhil sa bawat palo ng raketa at paglipad ng shuttle cock, naibubuhos ko lahat ng aking nararamdaman. Nandoon narin syempre ang diskarte sa pagpalo.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito lalaruin. sana magtagal. sana hanggang may pagkakataon. Pero isa lang ang sigurado ako, ang paglalaro ng badminton ay isang bagay na lubos na nakakatulong sa akin ngayon. Sa papaanong paraan? Sa paraang ang mga tunay na nakakakilala lang sa akin ang nakakaalam. sa ngayon, ang alam ko, may laro pa ako sa susunod na linggo. Iyon na muna ang iisipin ko bago ko isipin kung hanggang kailan ako maglalaro. Maaring hanggang may kalaro..hanggang may panahon. hanggang...
Sa ngayon, ako'y magpapahinga muna. Aking yayakapin ang masarap na pagtulog...dahil bukas ay panibagong pagharap nanaman sa naghihintay na trabaho at umaasang mga kaisipan na maari kong maturuan.Isang mapagpalang gabi.
Sept 12, 2010