Thursday, December 30, 2010

PARA SA LAHAT

Nalalapit na ang araw na kailangan ng magpaalam sa taong dalawang libo't sampu, isang mahirap, mapagparaya, makabuluhan, at mabiyayang taon. Tulad ng nakagawian, nararapat lamang na bigyang kapasalamatan lahat ng taong naging bahagi ng aking 2010.

para sa lahat ng KAIBIGAN sa walang sawang pagsuporta sa salita man o sa gawa...malaking bagay ang magkaroon ng karamay sa lahat ng panahon at pagkakataon...Nawa'y manatili kayo at wag magbabago. Sa lahat ng inalalayan ako noong panahon na kailangang kailangan ko ng makakasama, makakausap, at makakaintindi...sana'y hindi kayo magsawa na ako'y pakinggan, kausapin, at intindihin...

para sa lahat ng KASAMAHAN SA TRABAHO

sa pagiging kaibigan at katuwang... sa mga natutuhan...sa pagiging gabay..sana'y magkaroon pa tayo ng magandang samahan at pagkakaunawaan. Manaig sana sa atin ang misyon ng maipamahagi ang ating kaalaman an nawa'y patuloy na magtulakan pataas at wala sanang hihila ng pababa

para sa lahat ng mga STUDYANTE ko

sa pinagsamahan, sa mga kakulitan, sa kagustuhang may matutunan,sa respeto at pagkilala, sa pagiging katuwang sa proseso ng pagkatuto...sana'y ipagpatuloy ang kagustuhang matuto at makatulong sa inyong pamilya.Sana'y manatili ang dedikasyon upang makamit lahat ng pangarap sa buhay...at sa lahat ng nahihirapan upang ito ay maisakatuparan, isipin ninyong lahat ng pagsubok ay makakayanan sa tulong ng Diyos na Maylalang.

Para sa mga ROTARACT of Villa de Bacolor,

sa mga masasayang pagsasama, sa pakiki-isa, sa pagbibigay sa akin ng dahilan upang kayo'y ipagmalaki, sa pagtulong sa akin, sa pagiging magkaibigan..sana'y makagawa pa tayo ng makabuluhang proyekto na kayo mismo ang magkukusang magorganisa at magpulong pulong, sana'y magkaroon ng initiatibo sa bawat isa. nawa'y sa ating paglalayag ay maging magaan ang dalahin at walang magiging pabigat..ako nama'y lubos na naniniwala sa inyong kakayahan.

para sa mga Kasamahan sa ROTARY CLUB OF VILLA DE BACOLOR,

sa pagtitiwala at pagpaparamdam sa akin na ako'y may malaking tulong sa organisasyon, ako ma'y hindi pa tulad ninyo na mataas na ang naabot, mananatili kayong inspirasyon hindi lang sa akin at sa mga kasamahan, ngunit pati na rin sa mga taong ating natutulungan. Nawa'y maging matagumpay tayo sa ating mithiin.

para sa mga KAMAG-ARAL AT KAIBIGAN sa USTGS

sa pagiging kaibigan at karamay noong tayo pa ay nagaaral at maging pagkatapos nito...sa patuloy na pagmamahal sa samahan...sa pagpaparamdam sa akin na kaya ko! nawa'y manatili kayong nandyan at hindi kumupas ang pagkakaibigang nabuo ng dahil sa ating pagpupursige na maging dalubhasa

.

para sa aking mga PINSAN AT KAMAG-ANAK

sa magandang samahan natin ngayong taon..sa simpleng pagtulong, sa pagiging kaibigan at sa pang unawa...sa pagmamahal... sana'y hindi ito masira ng kahit anong pagsubok sa ating pamilya at magkaroon pa tayo ng masasayang samahan.

para kay PAPA AT MAMA,

sa lahat ng pagmamahal at pag-aalaga, sa pag-iintindi na hindi madali ang aking pinagdaraanan, sa pagiging nandyan, sana'y magkaroon pa tayo ng maraming taon na magkakasama, taon ng pagmamahalan at pagdadamayan, sana'y inyong maramdaman na lahat ng sakripisyo at pagpapakasakit ko ay para sa inyo..dahil higit kanino man, mahal na mahal ko kayo..at habang buhay na panata na hinding hindi ko kayo pababayaan.

para sa mga taong dumating at umalis

sa pagbibigay kulay sa taong ito..sa pagpapasaya at pagpapaiyak, pagbibigay at pagdadamot, sana'y inyong naramdaman na buong puso ko kayong tinanggap at minahal sa aking buhay at sana'y inyong maramdaman na ang pagpapalaya ko ay hindi nangangahulugang hindi kayo mahalaga..kundi pagbibigay lamang ng daan sa inyong kaligayahn.

para sa lahat ng nakasama, nakadate, nakafacebook, nakawentuhan, nakabunguan, nakatext, nakaemail, nakachat, nakilala.. sa pagbibigay ninyo ng iba't ibang ngiti,saya, lungkot, inis, at kung ano ano pa...sana'y naging masaya kayo habang ako'y kasama at kakwentuhan nyo.At sana'y naging bahagi din ako ng buhay ninyo.

para sa mga kapamilya, kapuso, kasyete ka dos, kasingko, sa itinakda at gabay...

maraming salamat sa isang makabuluhang 2010 na nagdaan...marapat lang nating salubungin ang susunod na taon ng may ngiti, pagpapasalamat, pagmamamahal at pag-asa kasama ang pananalig sa Diyos.

Isang MAPAGPALANG BAGONG TAON.

Sunday, December 26, 2010

My Family

Christmas Day out with family

December 26- My family is my treasure. My sacrifices are always dedicated to them for all I wanted is to make them happy and be proud of their unica! Thank you God for the blessing! Thank you for keeping us together this Christmas.

Saturday, December 25, 2010

para sa lahat ng kaibigan,ngmahal at ngmamahal,ngmalasakitat nagmamalasakit, umunawa at umuunawa,s lahat ng naging gabay at itinakda,sa lahat ng nng-iwan at nananatiling nandyan,s lahat ng buong pusong nag-alay ng panahon,at sinserong pagkakaibigan,s lahat ng nasaktan,s mga nagpatawad,s lahat na patuloy paring sumusupo...rta,s lahat lahat,mraming salamat.Isang mapagpalang Araw ng Kapanganakan ni Kristong Talapagligtas.

Wednesday, December 22, 2010

My Merry Little Christmas

As Christmas day draws nearer,I come to reflect and enumerate all the things that happened in my whole year..good and bad, happy and sad, lovely and painful. I found myself listing a lot. And these made me realize that I've to thank a lot. Either of which, contributes to who I am now...to what I become... and who I'll be.

If I've to reminisce all the things that happened in my whole year, mostly I'll see myself crying and lonely..the history has been told and I wouldn't want it in detailed. but definitely this year, I shed so much tears. On the brighter side, I can also enumerate a lot of blessings, from finishing my Masterate with flying colors to having been employed in my Alma MAter, from having higher salary to a booming little business, from strengthening my relationships with older friends to meeting new friends. This is my bittersweet 2010.

It's a time of joy, sharing, and thanks giving.It's a high time for love and thoughtfulness..also a time to forgive and forget...I've given and shared myself so much of what I thought I can give. I tried to be a blessing to people whom I love and to those around me... I tried to make people happy...I sacrificed a lot...but then, I do not regret every piece of me that I shared to people, besides, I thank God for making me as His instrument.

I gave love, I was given. I remained faithful, yet I was broken. But this never stop me to love and remain loving. I never close possibilities. I entertain chances. But this year, I've to gather all the lessons I have to learn. I've to protect myself from hurting. I should have done these from the start but I believe I just gave myself a chance to enjoy what real love is. I've learned that I know what love is, and I've known how to truly love, but with this, I've also learned how to be hurt. And it is really hard. It almost made me die. But God is still wonderful for He showed me another reason to live. I know after all what I happened. I should have to rest my heart... I won't insist for me to be loved. besides from the very beginning, I never insist, I just do my part for me to show what I mean when I say "I love." If people can't love me for who I am, then they do not have a place in my life. I've to set free...and forgive..

"God is really wonderful for giving all trials for He made me more faithful to Him. He made me stronger than I thought I am. He made me stiff without being rude. He made me sweeter despite of bitterness. He made me whole though broken. He made me more appreciative of little things. He made me more than an achiever despite of all that I had. Thus, he made me a better person...a better Josh."

Sunday, December 19, 2010

DHVTSU Christmas Party

DHVTSU Christmas PArty December 17, 2010 University Quadrangle Faculty of the College of Education With Ma'am Dyna and Ma'am Vicky With my wowa!

Gigster 2010

December 16-17, 2010 @Gigster, City of San Fernando, Pampanga Prince Technologies Acquaintance Party

Wednesday, December 15, 2010

...

Bakit sa tuwing malapit ka na, lahat ng lakas na inipon ko ay parang bulang naglalaho? Lahat ng pagmamahal ay paulit ulit na bumabalik na tila ba anino na hindi ako maiwanan? Sa totoo ay ayokong iwan ka, kalimutan ka, at baliwalain ka...dahil habang ginagawa ko iyon, hindi naman ikaw ang nasasaktan..kundi ako.Pero hindi ko lang ding mawari kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ilang beses na...ako ay nagapaalam..dahil umaasang ako ay yayakapin mo at hindi hahayaang mawala..ngunit hindi iyon ang nangyayari. Hindi ko rin maintindihan kung bakitpatuloy at paulit ulit akong bumabalik. Maaring hindi kayang diktahan ng isipan ang nararamdaman o sadyang hindi lang kita kayang kalimutan. Alam kong tunay at wagas ang aking alay dahil hanggang ngayon ako ay nagmamahal kahit nasasaktan. Sana lang mabilis ng lumipas ang panahon hanggang aking matagpuan ang tunay na kasagutan at ang sadyang itinakda.At sa oras na ako ay umabot doon, sadyang babalik sa normal ang takbo ng lahat.

Friday, November 26, 2010

open field

It was a cloudy day that time. The sun was there but it doesn't hurt my skin so much. I can feel its rays but the cauliflower-like clouds compliment the atmosphere. It was near to sunset time. I was sitting in a bench looking over a field. The field was wide enough to accommodate two or three teams to play football. But that day, there was only one team playing. I do not intentionally want to be there, but it was a sudden feeling that pulled me on that place. I was tired with the day's activities. I found it relaxing to take a rest for a while and have a little conversation to myself. And it went good.

Suddenly, memories flashed back.Memories from my younger years made me smile. Reminiscing the funny and crazy things that I've done during my childhood. Like playing street soccer, where I got little injuries and wounds, mainly the cause of the scars I have on my knees. I laughed when I recalled how I stole candies in our mini store and gave it to my friends, just to win them...(silly!too generous yet pathetic!) I also remembered the days when I used to climb trees with my cousins and get as many aratilis (im not sure of the spelling)as I can.

Funny, I recalled my first and only puppy love...=) Puppy love that lasted for more than a year....see.. hahah! I do not know but I may owe him for being the first cause why I write several poems. Then came a very long teenage crush. Just a crush that lasted for my whole highschool life...lol! "Oh my pretty pretty boy I love you..! " (giggle!) But that was just merely a lesson that thought me how to love with sincerity and loyalty. Well, I do not know if I should thank that experience, or if I should wish to have another. well, since I can't turn back the hands of time, I should have embrace all the lessons.

It was exactly sunset when I was reminiscing the recent things that happened in my life. I tried to look at my heart and saw many scars and some still wounds that need to be healed. Well, it made me sad for a while reminiscing the heart breaks and misfortunes but I tried to collect all the beautiful blessings that I received. I should be happy for surpassing all the trials that I had during my poorest years...It was really a struggle to finish college but all sacrifices paid off. Many would wish to achieve success but come to think of it..what is really success? For me, I believe that to achieve and receive simple blessings is already success. I do not need to be monetary well off just to be considered as such though everyone aims to have something more than the average. But well, I have to content myself once in a whiile of the things that I have to better enjoy life. It is right to aspire for more but that would be better considered as motivations but not life itself.

It was evening when I decided to go home to rest. I made another glance of the field and I just realized that the football players were already finished playing. There were only few people around the area. Just right before I leave, i imagined myself being fetched by someone special...to bring me home. But then, it was just a pure imagination. I do have rich imagination but isn't it, it is nice to live in mysteries and fantasies every once in a while? It is fine by the way, for as long it is seldom. Since that was a fantasy, I went home alone but I remain composed, determined, and faithful.

The open field remains open for people to come and go, play with it and leave as if nothing happened. But i admire the open field, that no matter how many times it was left alone, it still welcomes those who want to enjoy it.

cool down lang

Nov. 26,2010


Wednesday, November 10, 2010

Uran

Malakas...

Malakas kong naririnig ang iyak ng langit.

Tila ba ito puno ng pait.

Ngunit naiintindihan kong

Nararapat lamang itong ibagsak

Upang mabawasan ang nararamdaman.

Ulan..umuulan nanaman..

Bagyo? wala naman.

Minsan natural lang na kaganapan

Ang biglang pagbasak

Ng hindi inaasahan.

Mahirap kung hindi ka handa.

Umalis sa bahay ng walang dalang panangga

Sa anumang kalamidad at panahon

Sadyang kailangan lang tanggapin ang hamon.

Kung ang bawat patak ng ulan

Ay kayang hugasan

Ang masukal na dalahin

Ng damdaming nasaktan,

Ngayon din ako'y gigitna at maliligo sa ulan.

Ngunit alam kong hindi to ang paraan,

Upang ako'y makipagsapalaran.

Nov 10, 2010

8:54 PM


Saturday, October 30, 2010

PASSION

Sweet lovely kiss stuck in my lips

An expression of love, an enchanting mist.

Owned and hold and loved and fold

Never to escape, never to fade.

Bold and warm embraces fills my body

Caress the heart,wholly and passionately.

A promise of security and fidelity

Defines greatness and certainty.

Gentle hands hold mine

Guide to a path of endless rhyme

Of trust and loyalty

Towards the paradise of serenity.

The passion grew as eyes meet

A mere voice that is concrete.

Clear and defined, real and kind

Forever, it was found.

OCTOBER 27, 2010

12:19 AM

PANAHON

Hawak ko'y hindi magkamayaw na pagpipiglas

Ng damdaming pilit winawakas

Panahon ma'y sadyang lumipas

Puso'y umiibig pa rin ng wagas.

Kahit saan man ako'y magpunta

Alam kong ikaw parin ang sinta

Ikubli man ng mga kaganapan

Puso parin ang tunay na may alam.

Marami na rin ang nilakbay

At patuloy pang naglalayag

Marami narin ang nakasabay

At pati narin mga naghayag.

Alin man sa mga iyon

Hindi ko parin maramdaman

Ang pagmamahal na kailanman

Ako'y hindi pakakawalan

Mali man ang ako'y magtagal

At patuloy na balikan

Ng lugar na aking minamahal

Alam kong ako'y hindi pa pinagbibigyan

Sa mga dalanging matagal ng dasal

Pero buong puso ang aking pagtanggap

Na panahon lang ang makakayakap

Sa mga katuparan ng mga pangarap

At pagsagot sa mga hinahangad.

Hindi ko man mabitawan

Ang anino ng nakaraan

Alam kong kusa itong bibitawan

Sa panahong wala ninoman

Ang nakakaalam.

October 25, 11:56 PM

Josh

THE BREAK OF DAWN...THE TWILIGHT

The dawn was broken...It is twilight. The sun is not yet visible though its ambient light sweetly peeps. It is a promise. The rain also had ceased. But there is still a mark of heavy rains around. The trees and plants enjoys the droplets of water brought by the evening rain. The land is still wet and muddy though it is optimistic of the coming sun to dry it. The air is still cold seemingly waiting for the touch of sunrays to make it warm. The long wait is not yet over but almost there. The twilight brings a hopeful fate. I am excited. I want to embrace the full blown morning but I know I still need to wait a little more. A little more patience.

In morning twilight, people still come and go. Many wakes up early to prepare for work. Many leave the houses to avoid being late. Many catch the early bus. This is the usual scenario in places where people are busy..in their career...in their respective life. In this time, there are still uncountable things that happen...in my life...in the life of the others.

Like the things around, I can still feel the rain and the coldness. There is still stiffness and still paralyzed. But like the tress, the plants, the land, and the air, I am determined to see the sunshine and that pot of gold at the end of the rainbow.

It was still cold few minutes just before the break of dawn. Someone tried to embrace me but then warmth needs sincerity to be felt.

"Do not weep. Great things are the rewards for those who know how to wait," he told me.

Coldness exists to learn warmth. Sadness was born to appreciate happiness.and thus pains are made for us to feel real love.The transition of the former to the latter marks the test of time. And in all aspect, waiting sometimes makes us weak especially when you are in the midst of lost, where finding the right path gets slimmer.

"I'm here to make moving on easy," he added.

Yes, he was there. But you know what he costs? He brought another rain. And that makes waiting tougher. I thought embracing the chance of having him will give me the sun that I've been waiting. I thought...and I was wrong.

No matter how tough, I persisted to wait...and I am still. In this twilight, I know I'm near. I just need to wait and enjoy the lovely twilight. I will embrace the peeping of the light as it excites me for a brighter morning!

October 23,2010

This is a sequel of "RAIN BEFORE THE BREAK OF DAWN"

Sunday, October 24, 2010

UGNAYAN

Ugnayan

Sapat na

Ang maipadama

Ang Tunay at dalisay

Na pagmamahal na walang kapantay

Kung ihahambing kanino pa man.

Wala. Wala naman

Hinihinging kapalit

Kundi ang marinig mo aking saloobin

At maipadama ang tunay

na damdamin.

Ngayong tapos na

Pagkakataong napagbigyan

Ako'y mamanahimik na

Dahil lahat nagawa ko na

Ang lahat ay sa iyo na

Kung ito'y may kinabukasan pa.

sept 26

INTINDIHAN

Hindi ba nila maintindihan

Ang lungkot na bumabalot

Sa iyong kalooban?

O sadyang hindi lang nila maramdaman

Ang tunay mong pagmamahal?

Hindi ba nila alam

Buong buhay mo'y ikaw ay nagbibigay?

Alam ba nila na nais mo ding bigyan?

Tulad ng pagmamahal

Na iyong inaalay?

Hindi ba nila maisip

Na wala kang tanging hiling?

Kundi ang ibig ay makapiling.

Sa lahat ng panahon

Sa anumang pagkakataon.

Hindi nga nila alam.

Dahil patuloy ka nilang hinuhusgahan?

Mga taong hindi naman nariyan

Sa panahong lubos kang nangangailangan.

Hindi nga nila alam

Dahil patuloy ka nilang iniiwan?

Mga taong iyong minahal

Lubos at walang pag aalinlangan.

Hindi nga nila mainitindihan

Dahil sadyang hindi nila naramdaman

Na ang iyong kailangan

Ay hindi huwad na salita lamang

Kundi ang tunay at makatotohanan.

Oct 4, 2010

ULAN

Noon, gustong gusto kong inihahalintulad ang sarili ko sa ulan. Medyo nakakapagtaka minsan kung bakit ito yung bagay na inihahalintulad ko sa sarili ko.Dahil kapag binaggit ang ulan, ito ay sumisimbolo ng pagluha. ang damdamin ay ulap na kapag ito ay mabigat na ibubuhos nito ang ulan. Madalas ganito nga ang ibig sabihin nito. Pero bakit ulan? Alam kong madalas sa akin ang umiyak. Pero hindi ito ang dahilan ko noon kung bakit ulan ang pinili ko.

Para sa akin, ang ulan ang isa sa pinakamatapang na bagay dito sa mundo. dahil ang ulan, kahit gaano man kataas ang mga ulap, hindi sya natatakot bumagsak. Matapang....Ang sakripisyong ibinabahagi ng ulan ay natatangi din. Kahit paulit ulit man bumigat ang ulap, kusa itong bibitiw upang gumaan ang dala dala nito. Mapagbigay...

Kung tutuusin, hindi naman alam ng ulan kung saan sya babagsak. Sa lupa ba? Sa mga halaman? Sa mga bundok? Sa mga Burol? Sa Karagatan? Hindi naman nya alam kung mayroong natatanging nilalang na sasalo sa pagbagsak nito. Maswete na lamang kung sa palad ito mismo babagsak. Pero madalas wala naman.

Sino bang nakakaalam kung natatakot ba ang ulan sa kanyang pagbagsak? Wala naman. Kasi wala namang may interest na malaman ito. At kung mayroon man, sasaluhin nya ba ito?

Ngayon, ulan parin ba ako? Nanaiisin ko paring maging tulad ng ulan na matibay ang loob pero sa mga bagay bagay na nagyari na sa akin? Natatakot na akong maging ulan. Kasi masakit pala yung pagbagsak na hindi alam ang babagsakan. Kasi ang hirap hirap bumagsak ng walang handang sumalo sa iyo. Kahit alam mong maraming bagay ang nariyan, hindi mo iyan maasahan na pagdating mo sa ibaba. Ilang beses ko na ring naranasan iyon. At hindi ko na siguro kakayanin ang susunod pa nito. . . Ngayon..ayoko muna ang ulan. Pero paroroon din at magiging karapatdapat na akong maging tulad ng ulan..

josh

October 16, 2010

12:20AM

THE BREAK OF DAWN...THE TWILIGHT

The dawn was broken...It is twilight. The sun is not yet visible though its ambient light sweetly peeps. It is a promise. The rain also had ceased. But there is still a mark of heavy rains around. The trees and plants enjoys the droplets of water brought by the evening rain. The land is still wet and muddy though it is optimistic of the coming sun to dry it. The air is still cold seemingly waiting for the touch of sunrays to make it warm. The long wait is not yet over but almost there. The twilight brings a hopeful fate. I am excited. I want to embrace the full blown morning but I know I still need to wait a little more. A little more patience.

In morning twilight, people still come and go. Many wakes up early to prepare for work. Many leave the houses to avoid being late. Many catch the early bus. This is the usual scenario in places where people are busy..in their career...in their respective life. In this time, there are still uncountable things that happen...in my life...in the life of the others.

Like the things around, I can still feel the rain and the coldness. There is still stiffness and still paralyzed. But like the tress, the plants, the land, and the air, I am determined to see the sunshine and that pot of gold at the end of the rainbow.

It was still cold few minutes just before the break of dawn. Someone tried to embrace me but then warmth needs sincerity to be felt.

"Do not weep. Great things are the rewards for those who know how to wait," he told me.

Coldness exists to learn warmth. Sadness was born to appreciate happiness.and thus pains are made for us to feel real love.The transition of the former to the latter marks the test of time. And in all aspect, waiting sometimes makes us weak especially when you are in the midst of lost, where finding the right path gets slimmer.

"I'm here to make moving on easy," he added.

Yes, he was there. But you know what he costs? He brought another rain. And that makes waiting tougher. I thought embracing the chance of having him will give me the sun that I've been waiting. I thought...and I was wrong.

No matter how tough, I persisted to wait...and I am still. In this twilight, I know I'm near. I just need to wait and enjoy the lovely twilight. I will embrace the peeping of the light as it excites me for a brighter morning!

October 23,2010

This is a sequel of "RAIN BEFORE THE BREAK OF DAWN"

Sunday, October 17, 2010

Climax

Sige pa! Lumakad pa!

Tumakbo kung kaya!

Wag mong hayaang malugmok

Dahil may naghihintay sa tuktok!

Hahayaan mo bang siya lang

At patuloy na nililinlang?

Hahayaan mo bang matawag na bigo

At patuloy na maguho?

Hahayaan mo bang maiwanang mag-isa

Habangsiya'y nagpipista sa iba?

Hahayaan mo bang ikaw lang

Ang nagbibigay?

PAano naman ang pagdama

Na ikaw naman ang bigyan?

Hahayaan mo bang ikaw lang

At patuloy na ikaw lang?

Paano naman ang siya?

Hahayaan mo bang siya lang

At patuloy na siya?

Paano naman ang ikaw?

Huwag ikaw lang.. wag siya lang..

Masarap ang ikaw at siya!

Magkasama.

Magkapantay.

At kung hindi iyon kayang ilagay

Sa posisyon ng pagkakaunawaan

Sa tahanan ng pagbibigayan

Sa paraiso ng pagmamahalan

Hindi iyon sadyang" LAAN."

Kay't kung hindi mo man iyon natagpuan

Sulong ka pa!

Yaan mo't ikaw ay makakarating din

Sa tuktok na pikahihintay.

Kung saan ang Ikaw at siya ay pantay.

Josh=)

August 13, 2010

11:51 PM

Monday, October 11, 2010

.......

How will I count the days of missing thee?
When every time I found thee?
Whenever I face the reflection of me
It is thee that I see.

How will I forget thee?
When every waking up
I found thee as the reason of life


Monday, October 4, 2010

Intindihan

Hindi ba nila maintindihan

Ang lungkot na bumabalot

Sa iyong kalooban?

O sadyang hindi lang nila maramdaman

Ang tunay mong pagmamahal?

Hindi ba nila alam

Buong buhay mo'y ikaw ay nagbibigay?

Alam ba nila na nais mo ding bigyan?

Tulad ng pagmamahal

Na iyong inaalay?

Hindi ba nila maisip

Na wala kang tanging hiling?

Kundi ang ibig ay makapiling.

Sa lahat ng panahon

Sa anumang pagkakataon.

Hindi nga nila alam.

Dahil patuloy ka nilang hinuhusgahan?

Mga taong hindi naman nariyan

Sa panahong lubos kang nangangailangan.

Hindi nga nila alam

Dahil patuloy ka nilang iniiwan?

Mga taong iyong minahal

Lubos at walang pag aalinlangan.

Hindi nga nila mainitindihan

Dahil sadyang hindi nila naramdaman

Na ang iyong kailangan

Ay hindi huwad na salita lamang

Kundi ang tunay at makatotohanan.

Oct 4, 2010