Saturday, February 27, 2010

Biyahe

Patungo akong Maynila,..tahimik maliban sa ingay ng makina at takbo ng sasakyan...dito maraming bagay ang sumasagi sa aking isip; maraming mga realidad ang aking naiisip; maraming damdamin ang aking lalong nadarama; marami....

Bigla nalang pumasok sa isip ko ang mga bagay na sinasabi nilang swerte ako dahil mayroon ako..iniisa isa ko ang mga ito. OO, maswerte ako dahil kasama ko ang mga mahal kong magulang, sa hirap at ginhawa. Maswerte ako dahil nandyan ang mga taong nagmamahal at sumusuporta sa akin. Maswerte ako dahil sa mga nakamit ko sa buhay at pilit pang kinakamit. Maswerte din ako dahil hindi ako pinapabayaan ng Diyos.

Habang iniisa isa ko lahat ng mga ito, sumagi din sa isip ko na kabila ng lahat ng pagmamahal, sa kabila ng tagumpay...may isang bagay na paulit ulit na nangyayari sa akin...na kahit anong gawin ko ay di ko maiwasan...ito ay ang iwan ako ng mga taong minahal ko...mga taong minsan ay hiniling kong sana ay "siya na lang."

Ngunit, talaga atang ito ang isang bagay na hindi ko mapagtagumpayan sa kabila ng lahat ng pagmamahal at pagaaruga na ibinibigay ko. Palaging may kulang..palaging may mali...palaging hindi pwede...Palagi din akong tinatalikuran..ipinagpapalit sa mga bagay na siguro ay higit pa sa akin...Bilang isang tao,,,isang babae..isang nagmamahal... masakit ang ikaw ay iwanan lalo na sa panahong higit mong kailangan ang especial na taong walang ibang mamahalin kundi ikaw. Masakit din ang ipagpalit ka sa alam mong hindi mo kayang ibigay. Masakit ang mawala ka na lang bigla sa buhay nya.

Ngayon, naulit-ulit ang isang bagay na hiniling ko na huwag mangyari sa akin..sa amin. Habang nasa daan, hindi ko napansin na umiiyak na pala ako, kaya pala nakatingin sa akin ang katabi ko sa sasakyan. Nasasaktan ako...hindi ko kinakaila. Patuloy parin yung sakit na nararamdaman ko dahil alam kong ito ay hindi simpleng bagay na kapag ayaw mo na ay pwede ng itapon. Ang nawala sa akin ay isang pagmamahal na masasabi kong akin lamang.isang pagmamahal na sana ay para sa akin lamang...Nakalulungkot..Nakasasakit...nakapanghihinayang..

Ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko? Ilang simbahan man ang puntahan ko para magdasal..ilang gabi man akong umiyak...ilang araw man akong mawala..ilang beses man akong magsumamo..upang siya'y bumalik...ay wala na. wala ng saysay. wala na akong magagawa..dahil buong buo na ang desisyon nito...kailangan ko ng sumuko dahil wala na akong kasama sa laban na ipinaglalaban ko. Siguro ay ganon na lang talga.Siguro hanggang ganon lang ang aking halaga. Siguro nga ang pag-ibig ay hindi para sa akin.

Alam kong alam ko kung paano magmahal...at alam ko din kung paano magbigay...magsakripisyo at umunawa... Ngunit sa kabila ng mga ito, ako ay hindi pa rin sapat. Naisip ko, sana hindi nalang ako si JOSH. buti pa ang iba na hindi marunong magmahal ay ipinaglalaban at hindi binibitawan. Mabuti pa ang iba na masaya sa piling na mhal nila. Sana hindi nalang ako si JOSH na sinasabi ngang matalino pero tanga pagdating sa pagmamahal. Sana hindi nalang ako ito na marunong magmahal para hindi nalang ako nasasaktan. Sana hindi na ako nahihirapan ng ganito. Sana... Pero hindi ako nagsisisi sa kung ano mang pagmamahal ang naibigay ko dahil alam kong ito sa huli'y ang magkukumpleto sa aking buhay. Hindi ako magiging malakas kung walang pagsubok na dinadaanan.

Malapit na ako sa pupuntahan ko, ng maalala kong hindi pa pala siya nawala sa buhay ko. Dahil sa kabila ng sakit at paghihirap na nararamdaman ko, ay nandito parin sya sa puso ko. Siya parin yung BF ko... boyfriend ko..bestfriend ko...Dahil kahit binitawan nya ko, mahal na mahal ko parin siya. Dahil kahit patuloy akong nasasaktan, alam kong patuloy parin akong magmamahal. Ganito siguro ang tadhana para sa akin. Hindi swerte sa pagmamahal.

Sana sa sususnod kong biyahe, wala ng sakit...wala ng iwanan. Sana sa bawat tagumpay at pagkabigo, may karamay ako...karamay na hinding hindi magsasawang magmahal at magpatuloy sa buhay na kasama ako... kahit gaano man iyon kahirap..kahit gaano man yon kasakit... dahil ako, hindi ako magsasawang magmamahal..magsakripisyo at umunawa...dahil ako..alam ko..tunay ang pagmamamahal ko. sana sa susunod na biyahe ko...panatag na ang loob ko na kailanman ay hindi ako mag-iisa.