Monday, August 30, 2010

ARROW'S HEAD

Two arrows in a row hit the target, a bull's eye!

Two archers. Two arrows.One target!

Alas! The archers must be experts.

Perfect how they handle the bow

One each strike, and the arrows are there!

Each defines a thousand death;

Traitors in its existence;

The killers in the crime.

-josh

August 30

10:32 PM

Saturday, August 28, 2010

KULAY

"Tama iyan! Sige lang! Iyan ang mga nagbibigay kulay sa buhay!" Mga katagang nabanggit ng isang matalik na kaibigan. Pawang mga katagang binitawan ng minsang ikinuwento ko ang mga bagay-bagay na ginagawa ko at mga taong pinagaalayan ko ng panahon at oras. Oo nga't aking napag-isip isip na nararapat lang na hayaan kong maging makulay ang mga kaganapan sa aking buhay. Hayaang yakapin ang mga pagkakataon na makakapagpasaya sa akin at matutuhang bitawan at pakawalan ang mga bagay na nakakasakit at nakakapanlumo.

Sa araw ding iyon, biglang sumagi sa isip ko, kaysarap mabuhay sa makikinang at matitingkad na kulay. Nakakatuwa...nakakagalak...nakakasaya. Pero akin ding nawari, hindi ba't madami nang naging kulay ang aking buhay? maraming matitingkad, marami din naman ang mapupusyaw. Ngunit halos lahat ng mapupusyaw na ito ay nagmula din lang sa mga matitingkad. Mga kulay na nawalan ng tingkad sa pagdaan ng panahon...mga kupas na tingkad.

Tila ba ito sa isang makulay na damit na pumuputi sa paglipas ng ilang pagkakalaba. Tila ba pintura na sa pagdaan ng panahon ay nawawala o kumukupas din...Nasabi ko na lang, siguro ang mga matitingkad na damit o pintura na ito ay hindi orihinal kaya't kumukupas. dahil ang mga tunay ay nagtatagal at hindi kumukupas. Maaring tama.Maaring pwedeng ihambing ang mga ito.

Sadyang ang buhay ay maraming kulay at maraming nagbibigay at nagpapatingad nito. Subalit hindi rin maikakaila na minsan kahit gaano man katingkad o kaningning ang mga ito, mayroon pa ring mawawalan ng kulay o kaya'y maabawasan ang tingkad. Tila sadya ka lang pasasayahin ngunit biglang babawiin kapag naroon ka na sa tuktok ng kagalakan.

Maaring marami ng ganitong kaganapan ang nangyari sa akin. Marami ng kulay ang naipinta, ngunit kumupas na rin. Marami ng damit na naikula at nalabhan kaya't nawawalan na ng kulay. Tanging yoong mga totoo lang ang naiiwan at patuloy ang tingkad , na patuloy ding nagpapagalak sa akin. Ngunit sa tuwing nababalikan ko ang mga kupas na mga bahagi, hindi ko maiwasan ang malungkot dahil sa kanilang pagkawala...Akin na lang kinukuntento ang sarili sa realidad na minsan sila'y bahagi din ng aking kagalakan at matingkad na buhay. . . Na kailangan ko ding ipagpasalamat.

Sabagay, alam ko namang marami pang kulay ang nakahandang magpatingkad sa aking buhay ngunit nais ko sana sa mga susunod ay yoong mga orihinal na damit o pintura nalamang. Yoong sadyang makakasama ko sa lahat ng panahon. Yoong sadyang tunay at orihinal. Sa ngayon, ipinagpapasalamt ko ang bawat asul, berde, pula, dilaw, lila, daladan, at kanilang kombinasyon, na dumating sa buhay ko. At sa mga darating pa..ooopppss.. off limits na ang hindi orihinal.

Friday, August 27, 2010

Pero sino nga bang nakakaalam kung hindi iyon susubukan?

sabi nila, kung ikaw ay mahuhulog, dalawang bagay lang iyan; maaring may sumalo sa iyo o masakit kang babagsak.Ilang beses na ba akong nahulog na walang sumasalo? hindi ko na mabilang. minsan naitatanog ko na din kung bakit hindi ako natututo sa mga pagbagsak na ito.masasakit ang mga ito. tila baga kailangan pang humantong sa intensive care unit upang mapagaling lang ang pagkakahulog.

hindi ko na rin mawari kung pagmamahal nga ba ang dahilan o sadyang katangahan lang... pero ang tanging alam ko tunay ang bwat emosyong inilalaan ko dito. nakakalungkot lang na gaano man iyon katapat at kadakila ay nababalewala parin. MAaring dahil hindi sa tamang tao iyon inilaan. Pero sino nga bang nakakaalam kung hindi iyon susubukan?

sabi ng kaibigan, "hindi karin naman natututo no?" akin ngang napag-isipisip.kailan nga ba ako matututo? hindi ko alam. minsan kahit ang mga guro ay hindi nila matutuhan ang ibang mga liksyon. o kaya'y nandon ang realisasyon ngunit hindi lang ito tuluyang tinatanggap dahil minsan nagpupumiglas ang nararamdaman. ninanais na sumubok o kaya'y lumaban na maaring magbago ang kapalaran.

minsan sa pagkahulog, may sumasalo, ngunit sa huli'y bibitawan ka rin pala. tila ba, pinigilan lang or pinahaba lang ang paghihintay ng iyong pagkahulog. mas masakit iyon, dahil nilakipan na iyon ng pag-asa at pagtitiwala na hindi ka na babagsak muli. minsan iyo na lang mababanggit, "sana huwag na lang."

Alin nga ba ang tunay na masakit sa pagkahulog, ang ikaw ba ay hayaang bumagsak na lang o paasahing sa dulo'y may sasalo sa iyo? para sa akin, pareho lang.kahit saan naman yan dalhin, mahuhulog at mahuhulog ka din, masasaktan at masasaktan ka pinaasa ka man o hindi. dahil wala namang kundisyon ang kasama kapag emosyon na ang nakataya.

sa kabila ng lahat, ayoko namang pagsisihan ang bawat emosyong aking inilalaan, mahulog man at makatamo ng malakas na pagbagsak. Oo nga't masasaktan sa huli,ngunit hindi mo naman maikakaila na sa bawat pagbibigay sa iba ng iyong nararamdaman ay pagbibigay din sa iyong sarili ng pagkakataon na maari mong maramdaman na ikaw din ay kayang bigyan. Sa huli'y pinalaya mo lang ang iyong sarili ng buong tapang at walang pag aalinlangan.

Kung sa susunod, ako'y mahuhulog muli. sana doon na sa lugar kung saan may sasalo sa akin at hindi na ihuhulog muli. At sa wakas ay hindi na masasaktan pa.

Tuesday, August 24, 2010

Auguagesyst 23, 2010 Tragedy: Whom to Blame?

As I start this piece, I find no words to sum up the tragedy yesterday, August 23. Maybe because I am disappointed with so much things and my heart is saddened and mourning for the lives and experience of the victims.

I am a Filipino. I am proud to be one. But being proud doesn't mean I am biased with my country. What happened yesterday really captured my thoughts as I keep on thinking, what seems to be the problem? What is the problem? Whom to blame? Eleven long hours- the hostage taker, the hostages, the policemen, the Filipinos,and the whole world, waited for eleven long hours just to witness dramatic bloody end. It was long enough to settle such incident to something peaceful- that is how I see it. Of course, it easy to say but if only proper measures were followed, it wont end that way.

The late Senior Inspector Rolando Mendoza needed to be blame. He is the cause of this. Though he had his reasons, yet, no matter what the end is, it does not justify his means. Maybe he felt he need justice or impartiality on his case, being an inspector/policeman, he should know very well, that crime should be out of his means. The incident will never accept an excuse.

The policemen needs to be blame. Of course, not all blames should be given to them. I find it shameful that the Philippine National Police showed the whole world how unprepared we are for such incidence. No matter how isolated the case is, the PNP as the home of security of the people should always have a strong means to defend its people. They should be the experts of weapons and tactics to ensure that lives wont be taken...especially the lives of the ordinary people, the victims.The PNP logged far behind from the policemen of other nation. Though a lot of mistakes were seen, still, I know it is not easy to be in their situation risking their life. But I remain with my former opinion regarding the PNP in general.

The media also took responsibility. Even media experts commented about the live forecasts. I know, it is their business to update people, but it is another story if lives of the hostages are at risk. The media even reported detailed movements of the PNP, and even unrelated reports just to say something over the air. The bus has its own television that would give the hostage takers the idea about the move of the policemen, to know what happens around, and also to know the situation of his family members. It is expected that if the hostage taker doesn't like what he sees and learns from the media, he will show violent response. And that reality gave risks to the hostages. I hope the media will read and analyze what they're doing. And never forget the term RESPONSIBLE JOURNALISM.

The government, on the other hand, also has to be blame. There should be a quick response intelligently. They should have instructed the army men, the NBI, the military, all the forces that will help them. In situation like this, unity among these troupes is really necessary. the government, should also took his sensitive response to the media reports and have blocked live telecast of the incidence.

The justice, the root of all of these. Justice and impartiality, the demand of the hostage takers. This is the very reason why people were placed or forced to be in situation like this just to fight for their rights. I hope in the future, there will be no more rebellion. That is, if justice is really present.

One day after the sad fate of the hostage taking in Quirino Grandstand, I can feel the emotions of the Hong Kong nationals especially for their fellowmen who were the victims. I know it is just right for them to feel anger because the lives of their love ones were taken brutally. But I stand, that no one wanted this to happen. And thus, the Hong Kong nationals should not stereotype Filipinos and should not put their anger to the ordinary OFWs.

This piece is not to pin point those whom really to blame. This is again an opinion and is subjected to my personal point of view. This piece aim to make us realize where we really are now. The effect of such moves. The cost of such actions. I hope this tragedy will give us lessons, rather than merely criticize.To criticize isn't bad if in each criticism that we lay, we learn and thus, never do the same mistake again.

August 23 Tragedy, whom really to blame?

Josh=)

August 24, 2010

Friday, August 13, 2010

Climax

Sige pa! Lumakad pa!

Tumakbo kung kaya!

Wag mong hayaang malugmok

Dahil may naghihintay sa tuktok!

Hahayaan mo bang siya lang

At patuloy na nililinlang?

Hahayaan mo bang matawag na bigo

At patuloy na maguho?

Hahayaan mo bang maiwanang mag-isa

Habangsiya'y nagpipista sa iba?

Hahayaan mo bang ikaw lang

Ang nagbibigay?

PAano naman ang pagdama

Na ikaw naman ang bigyan?

Hahayaan mo bang ikaw lang

At patuloy na ikaw lang?

Paano naman ang siya?

Hahayaan mo bang siya lang

At patuloy na siya?

Paano naman ang ikaw?

Huwag ikaw lang.. wag siya lang..

Masarap ang ikaw at siya!

Magkasama.

Magkapantay.

At kung hindi iyon kayang ilagay

Sa posisyon ng pagkakaunawaan

Sa tahanan ng pagbibigayan

Sa paraiso ng pagmamahalan

Hindi iyon sadyang" LAAN."

Kay't kung hindi mo man iyon natagpuan

Sulong ka pa!

Yaan mo't ikaw ay makakarating din

Sa tuktok na pikahihintay.

Kung saan ang Ikaw at siya ay pantay.

Josh=)

August 13, 2010

11:51 PM

Saturday, August 7, 2010

isang malaking "wala lang."


Gusto kong magsulat kanina pa, ngunit wala akong maisip na isang partikular na bagay na pwede kong isulat. Sadya na lang dumating sa aking pakiramdam ang kagustuhang magsulat. Pilit kong tinatanong sa sarili kung gusto ko bang ihayag ang nararamdaman o magbigay kahulugan sa mga bagay bagay. Ang una, ayoko ng bigyang diin pa kung ano ang tunay kong nararamdaman. Paulit ulit lang naman.Kung ang huli naman, wala akong iisang bagay na naiisip na bigyan ng mga salita.


Kung akin namang ilalahad ang kaganapan sa aking sa nakaraang linggo. Hindi rin naman ito ganon kainteresado dahil tulad lang naman ng paulit ulit na ginagawa...trabaho..bahay..trabaho parin... salamat at may rotary at nasasabi kong may social life pa ako. sa lamat din pala sa badminton games at nasasabi ko pang nakakapagexercise pa ako..(healthy living kuno)...salamat din sa facebook at nailalabas ko lahat ng stress sa aking trabaho.... wala namang gaanong highlights ika nga. pero salamat na lang at nagkaroon ng unexpected bonus at may pang mall at pang movie ako. salamat sa movie na SALT at muntik na akong hindi makahinga sa suspense. salamat sa mga kaibigan kasamahang guro sa walang tinggil na pang aalaska at pambubuyo sa aming kasamahan..kahit paano sumasaya ang faculty room. salamat at kaming lahat ay sports..walang pikon. salamat at maraming salamat sa mga nakatext..nakachat... sa lahat ng naalala ko...salahat lahat. kahit ano man yan ..kahit sino....salamat na lang. wala alng talga akong alam na gawin dahil dusto ko lang magsulat. bago matulog...

bukas alam ko paggising ko,,magiging masakit ang katawan ko dahil sa pitong oras na paglalaro ng badminton.

magandang at pasensya na sa walang kwentang blog.

Sunday, August 1, 2010

San Fernando Intersection

Kanina habang binabaybay ko ang daan papuntang terminal, papunta sa bahay ng kaibigang si Vergel upang ibigay ang aming pakikiramay sa pagkawala ng kanyang pinaka mamahal na ina, akin lamang naisip noong makarating ako malapit sa intersection ng San Fernando, ganito pala ang buhay. Madaming sasakyang dumadaan. May kanya-kanyang patutunguhan. Minsan kayo'y makakarating sa parehong pupuntahan minsan. May mga sasakyang sasabay sa bilis ng g pag-usad ngunit sa dulo'y hihiwalay din at kakailanganin ng lumiko upang puntahan ang kanayang destinasyon. Minsan din na pagdating sa intersection, sadyang maghihiwalay ang mga landas. MAy liliko, may iikot pakanan, pakaliwa o kaya'y diretso lang.Iba-iba. Sadyang ang buhay ay parang biyahe ng mga sasakyan sa kalsada.

Aking naisip, matagal na pala ako sa byahe.marami ng intersection ang aking nadaanan. Maraming nakakatuwa na hanggang ngayon, kasama ko parin sila sa paglalakbay, sabay na tinatahak ang isang landas. Ngunit, nakakalungkot din na minsan akala mo'y tuloy tuloy mo syang makakasama, ngunit bigla din palang liliko. Minsan, may mga intersection din na sakto lang kayong magkikita ngunit magkaibang landas pala ang inyong tatahakin.

Sa kalsada ng buhay ko, marami akong natutunan, mga sasakyang kapag ako'y nasiraan ay hihinto din at kusa akong tutulungan. May mga sasakyang, tila nakikipagkarera na gusto kang ungusan at makipag-agawan. may mga malalaking sasakyang tila ba naghahahari-harian sa daan at minamaliit ang aking sasakyan. May mga sasakyang masayang makikisabayan sa iyo kahit saan man magpunta. Sa kalsada din, aking natutunan ang mga batas na dapat sundin...batas trapiko, na kailangang sundin.kailan ba dapat huminto, magbigay daan, o kaya'y tumakbo. May mga batas na bawal. May mga tuntunin ng kaligtasan. Sa kalsada din, iba iba ang uri ng daan, may aspaltado, sementado o kaya'y yung sira-sira pa, maputik at kung anu-ano pa. Dito sa kalsadang ito, kailangan ang tibay ng loob upang malampasan ang madulas o kahit ang bakubakong daan man.

Maraming nangyayari sa kalsada. Saan kaman magpunta, ikaw ay may makikilala na mapagtatanungan kung ikaw ay nawawala. Saan ka man patungo, nandyan ang posibilidad na ikaw ay masiraan o maubusan ng gas. Ngunit wag kang mag-alalala. Kailangan lang ng tibay ng loob at determinsayon na makarating sa patutunguhan, lahat ay makakayanan. Gaano man ito kabagal. GAano man ito kabilis. Gaano man ka dulas o kaputik ang daan. Siguraduhin lang na sa intersection na dadaanan mo, alam mo kung saan ka liliko.