My Heart lives in the serenity of sincerity and in the beauty of fidelity... in the harmony of destiny...in the obedience of God's will...and in the essence of love. This blog narrates the things that come around and even the slightest idea that passes my mind, and that somehow touches my heart. This blog contains my expressions, ideas, interests and experiences...When I write, I write with my heart. -and this is "My Heart's Sanctuary."
Thursday, June 24, 2010
Excited for Friday and Sat Day-UST TIME!
UST TIME? nope, I'm not into schooling again. I'll just meet my friends and spend sometime with them. Sino Sino kaya nandon sa sat? excited! I miss my Ate Vic! I'll meet her.See you around people!
Thursday, June 17, 2010
THANK YOU LORD
It is a week of work. Somehow it is just three days of regular teaching day. It is fun yet challenging. It squeezes all my brain cells and hopefully it wont make me insane studying things as if I am just starting my school years. I am thankful for somehow I know how to handle things like this. Teaching 5 subjects in a row of things I never handled before is really a challenge. It tests my ability and everything including patience and discipline. I am happy too that I saw myself somehow organized..have been grown in another level.Am I being a real professional now? haha..=) I am happy too that somehow I can handle things one at a time..slowly but surely. I am happy too that somehow, in someways, I can attend to the needs of my students. it is really hard to handle a class of more than 70, plus the classroom situations. I am happy that at least in my own way, I was able to ease all this things and make the show goes on. I am now sure, I AM A TEACHER. And I want to be more than a teacher. Not just the one who impart knowledge but also be able to make a difference in the life of the future teachers, my students.
Tomorrow, it's orientation day, and no teaching loads tomorrow! A break for me! yey!
Friday, June 11, 2010
ikalabing isa ngayon.ikalabing walo na sana. ikalabing dalawa bukas. ika-apat na.
Isang palatandaan na sadyang abilis ang paglipas ng panahon ngunit ang mga bagay na naiiwan at mga bagay ay hindi sing bilis umusad ng panahon. pero sa realidad, kasama ng paglipas ng panahon ay ang katotohanang hindi na mababago. may mga bagay na sadyang laan at may mga bagay na hindi kayang hadlangan.Kung ano man ang mga naganap, may bagay na dapat matutunan at kailangan lang matanggap. ano-ano man, sa dinami-dami man ng mga bagay na nagpasaya at nagpahirap, isa paring malaking pasasalamat. dahil lahat ng bagay na iyon, ay hindi kailan man mababago. May mga bagay na kahit ayaw man mawala, kailangan lang matanggap.Kahit may mga bagay na nais mang ipagpatuloy, kailangan tuldukan. Sa dulo ng lahat. kahit ilang araw, buwan at taon man ang lumipas, mga alaala lang ang mga bagay na kayang panghawakan. Kung hindi man laan, pasasalamat na lang ang kayang ibigay. At kung matinding sakit man ang naranasan, pagtanggap lang ang tunay na makakapagpahilom.
Ikalabing isa ngayon, ikalabing walo na sana, ngunit matagal na itong tinuldukan. Maraming salamat sa alaala. Ikalabing dalawa bukas, ika-apat na...at nawa'y patuloy ng maghilom ang bawat sugat ng nakaraan. Isa itong dalangin kasama ang paglimot sa mga sakit ng loob at pasakit. Sana'y magkaroon na ng magandang simula at matahimik na bukas para sa dalawang pusong nagkahiwalay ang landas. Ngayon, ika'y tuluyan ng pinapalaya dito sa aking puso.Isang mapagpalang paglalakbay sa iyong hinaharap at sana'y sa pagdating ng panahon, iyo paring maalala na minsa'y dumating ang isang tulad ko na nagmahal ng walang alinlangan at pagiimbot. Sana'y sa paglipas ng panahon, magkaroon ng pagkakaibigan, maaring hindi ngayon, hindi natin alam. Patawad sa mga salitang maaring ika'ynagdamdam din, alam kong iyong naiintindihan. Salamat sa lahat. At Sana'y magkaroon ka ng masayang paglalakbay.
Saturday, June 5, 2010
Digmaan...
Sa buhay ko, marami na akong napagdaan. May mahihirap at may madadali. May malulungkot at may masasaya. May mga pagkakamali at may mga tama naman. May mga pagkabigo at may mga tagumpay. Samu't sari. Alam kong hindi lang naman ako ang nakararanas nito. Kaya't wala namang nakakagulat o kakaiba. Madalas pa nga, may mga bagay pang mas higit kumpara sa naranasan ko.
Ngunit ang pagkakaiba lang ay lebel ng mga bagay na naibigay, naisakripisyo, at higit sa lahat mga bagay na natutuhan. Kung usapang puso lang naman, alam kong naibigay ko ang pagmamahal kung paano ko sya naiintindihan at nararamdaman. Kung pagmamahal lang, alam kong ako'y tunay na nagmamahal. Ngunit madalas hindi iyon ang sukatan upang ang isang relasyon ay magtagal at mapanatiling matatag. Kahit anong pagmamahal, sakripisyo at pang unawa man ang iyong kayang ibigay, hindi iyon isang kasiguraduhan na hindi ka maiiwang mag-isa.Tunay ang pagmamahal ay hindi kayang ipaglaban ng iisa lang, dapat ito'y pantay mula sa dalawang taong nagmamahalan. Kailangang naryan ang bawat isa upang maging matatag ang pagsasama. Hindi kaya ng isa lang..laging dalawa..dalawa para sa isa.
Kung aking babalikan ang nakaraan, nalulugkot ako sa takbo ng mga relasyon na aking sinubukang ipaglaban. Mga pangyayaring hinding hindi ko inaasahan nung mga panahong nandoon pa ako. Siguro'y pilit ko lang pinaninindigan at ipinaglalaban kaya't hindi ko namalayan na ako'y natatalo na pala. Siguro nga'y mahirap lang talaga kapag ang ipinaglalaban mo ay siya ding susuko sa labang sana'y sa inyong dalawa. Ito ay sadyang pait ng tadhana.
Sa aking pagbabaliktanaw, aking naitanong, ano nga ba ang aking kailangan? Ano nga ba ang tunay na bubuo sa aking buhay? At kung ano nga ba ang laban na dapat kong ipaglaban? Ang mga karanasan sa pagmamahal ay sadyang mga kaganapan na inilaan upang aking matutunan at lubusang maunawaan kung ano ang tunay na buhay. Malayo sa imahinasyon kundi kung ano ang abot ng realidad. Kailangan ko ng matibay na armas upang magtagumpay sa laban ng buhay. At akin ding naiintindihan na ang tunay na bubuo sa akin at ang tunay na dpaat kong iapglaban ay hindi ang taong pangako lang ang kayang ibigay kundi ang taong may paninindigan at taong hinding hindi ka isusuko sa kahit ano mang labanan.
Noon akala ko'y sapat na ang magmahal...ang makasama ang taong aking minamahal. Akala ko noo'y ito na ang buhay. Ngunit hindi pala. Hindi sapat ang magmahal ka at makasama ang taong mahal mo at paniwalaang mahal ka din niya. Oo nga't masaya. Tila ba kayang kaya mong labanan lahat. Subalit, nakakalungkot kung makikita mo ang sarili mo sa gitna ng digmaan na walang kasama. Hindi nga sapat ang pag-ibig na tunay, tapat, at totoo. Dahil sa tunay na laban, aking natutunan at lubos na naunawaan na ang pag-ibig ay iisa lang sa napakaraming sandata na dapat dalhin. Dahil sa tunay na laban, kailangan din ng taong handang ipaglaban ka at hindi bibitiwan hanggang sa huling hininga ng bawat isa. Iyon ang tunay na laban.
Sa digmaang aking pinanggalingan, marami akong sugat at sakit na nakamtan. Mahahapdi at minsa''y inakala kong hindi ko makakayanan. May mga sugat parin akong hinihintay na maghilom. May mga pilay parin akong pinapagaling upang tuluyan ng makalakad ng walang saklay. Sa digmaang iyon, natalo man ako. Naiwanan man ako sa gitna. Nasugatan man at napilayan. Hindi ko iyon pinagsisisihan. Dahil alam kong ang isang tunay na mandirigma ay marunong tunmanggap ng pagkatalo ngunit marunong ding tumayo ulit, magpalakas, at maghanda para sa susunod na laban. At sa susunod na laban, sana'y maging matibay na ang mga armas na dala ko; ang aking puso na patuloy na nagmamahal at lumalaban, at ang liksyon mula sa nakaraan. Sana susunod na laban, di ko na makita ang sarili kong nag-iisa. Sa susunod na laban, lalaban ako sa patas na labanan, labang hindi ako uuwing luhaan. Sa susunod na laban, lalaban ako para taong ako'y kaya ding ipaglaban at hindi puro salita lang.
Tuesday, June 1, 2010
The Last Time
The last time I embraced you
I should have hugged you tightly
Tight enough for you not to leave me
But I still have lost you.
The last time I kissed your lips
I should have done it sweetly
Sweet enough so that bitterness
Won't find its way between us.
The last time I held your hand
I should never let it go
Hold it tight so you'll find reason
To hold on.
To hold on.
The last time I looked your eyes
I should have showed you how much I love
So that you always find me
In all that you do.
The last time...
I had a gut feeling it will really be the last
Something I never entertained
For I had content myself with my faith.
The last time...was really the last.
For you already bid goodbye
You have loved me, I know you did
But love is sometimes not enough.
The last time, I hope you heard me say
I love you.
The last time, I hope you heard me say
I'll wait for you.
The last time, I hope you heard me say
I'll always be here for you.
The last time, I hope you heard me say
You are my life.
The last time I hope I made you felt
how much I love you.
The last time I hope I made you felt
how much I'm willing to wait
The last time, I hope I made you felt
how much you are to me
The last time, I hope I made you felt
how much I want you in my life.
The last time, I hope too I never hoped
The last time, I hope I just never believed.
The last time, I hope I let you go
The last time, I hope I never loved.
Subscribe to:
Posts (Atom)