Magturo O turuan?
Liksyon mula sa karanasan.
O Liksyon na dapat pang matutunan?
Magturo o turuan?
Alin man sa dalawa;
Importante ay dagdag kaalaman.
Lesson plan, para saan?
Para sa mga guro lang, wika ng iba.
Dahil ito ay para sa mga studyanteng
Uhaw sa kaalaman.
Sandali, iyong pagisipan.
Hindi.
Hindi lang ito ang pinagmulan,
Dahilan, at patutunguhan.
Pinagmulan?
Hindi mo kailangan ang maging guro
Upang iakda ang iyong liksyon.Lahat ay may kanya kanyang liksyon na dapat paghandaan.
Dahilan? Para saan?
Yan ang malimit na katanungan?
Ano nga ba ang katuturan?
Ng mga karanasan at kaalaman para mabuhay?
Patutunguhan?
Ito ba ay para sa kanila?
sagli't at iyong pag-isipan.
Hindi kaya at ikaw angdapat na may matutuhan?
O kaya'y ikaw ang gawan ng lesson plan?
Madalas plano sa buhay
ay bigyang daanang maabot
at makapiling ang ganap na kaligayan
Sa ano mang aspeto sa buhay.
Makamit ang kagalakang,
Hanap ng pusong tunay.
Ngunit minsan din ay dapat pagplanuhan
Kung paano din tuturuan
Ang sarili sa kaligayahang hindi kayang makamtan
Upang hindi lubos na masaktan
Dulot ng mapait na kasawian.
Hindi ba't nararapat
Na hindi ang pagkamit lamang ang matutuhan?
Paano naman ang pagkabigo?
Kailangan kasama ang pagtanggap
Sa mga bagay na hindi posibleng mabigyang daan.
Lesson plan ko'y nilikha at aking nilagdaan
Karanasan ang pinagmulan
Dahilan ay sa sarili inilaan
Hindi upang iba ang makinabang
Dahil ito'y para sa sariling kapakanan.
Patungo sa realisasyon ng pagtanggap
Sa mga bagay na hindi ko kayang mayakap.
Dahil minsan, kailangan ding ituroAng sining ng pagkabigo.