Kanina tinanong ako ng isang kaibigan, ano daw ang gagawin ko kung bumalik sya? Hindi ako kaagad nakasagot. ang sabi ko na lang.."Di ko alam. Hindi ko talaga alam. =(" Sabi ko din, di ko alam kasi di ko na iyon iniisip man...ni ayoko ng damhin. Sa loob ko'y wala naman din naman iyong saysay dahil alam kong wala ng ganoong posibilidad, hindi man sa akin. Dama ko, sa kanya.
Nasabi ko din, di ko po alam kasi di ko pa naramdaman na may bumalik. Parang pag tinuldukan na nila ay, wala na talagang babalik. Kaya di ko alam kung "Love is sweeter the second time around."
Ewan ko ba. Basta ang alam ko, hinding hindi ko sinasara ang pintuan ng aking puso, dahil alam kong darating din ang isang araw na may papasok dito, na kahit gaano pa kaluwang ang pintuan, ay hindi gugustuhin ng taong ito na umalis pa. Mananahan sya sa aking puso at mabubuhay doon habang buhay kasama ko. Darating iyon. Alam ko. At pagsapit ng takdang panahon, malugod ko syang sasalubungin at hahagkan. At sasabihing, matagal na matagal na kitang hinihintay. =)
good night. I love You Lord.