At kung iyon ay ang laman ng isipan
Hindi na ako maguguluhan pa
Ikaw na, mahal na nga kita
Kung sa pagmamahal ay may sukatan
At kung iyon ay ang walang hanggan
Hindi na ako magtatanong pa
Ikaw na, mahal na nga kita.
Kung sa pagmamahal ay may batayan
At kung iyon ay ang nararamdaman
Hindi na ako mag-aalinlangan pa
Ikaw na, mahal na nga kita.
Kung sa pagmamahal ay walang dahilan
At kung iyon ay sadya lamang mananahan
Hindi na ako maghahanap pa
Ikaw na, mahal na nga kita
Kung ang pagmamahal ay walang pinipili
At kung iyon ay ang taong mananatili
Hindi na ako hihiling pa
Ikaw na, mahal na nga kita.
Kung pagmamahal nga ang maging masaya
Sa twing ako'y iyong naaalala
Wala na ngang hihigit pa
Ikaw na, mahal na kita.
Kung pagmamahal na itong sadya
At kung ito ay ang itinadhana
Ako'y iyo na, aking sinta
Ikaw na, mahal na kita.
-josh
April 3, 2011