Tuesday, March 1, 2011

Patuloy ang pag-agos ng ilog at pag-ihip ng hangin.

Kasabay nito ang patuloy kong pagmamasid.

Patuloy ang pagpapalitan ng araw at buwan

Ngunit ako'y patuloy na napag-iiwanan.

Dama ko kung paano bumuhos ang ulan

At pagbagsak nito sa kapatagan

Dama ko ang lamig ng hangin

At pagyakap nito sa akin

Nakasanayan ko na ang pumasyal mag-isa

At tahimik na nagpaparaya

Damhin ang hiwaga ng Kanyang likha

At mayakap ang tunay na tadhana

Ako'y nagpagalagala hindi upang mawala

Kundi aking matagpuan ang itinakda

Ako'y umasa at hindi nagsawa

Dahil alam kong ako'y pinagpala.

Sa may tabing-ilog, ako'y may mga nakilala

Mga taong sadyang nagpakilala

Ngunit tulad lang sila ng tubig sa ilog

Kasama silang tinanggay at inanod.

Patuloy man ang pagdating at paglisan

Ng mga taong aking pinagkatiwalaan

Alam kong hindi iyon ang basehan

Na hindi ko sila minahal at inalagaan.

Alam kong tulad ng mga likha sa kalikasan

May dahilan ang bawat kaganapan

At sisikapin kong maintindihan

Ang masalimuot na katotohanan.

Saan man, kailan man

Panahon lang ang kayang magpatunay

Ako'y mananatili at maghihintay

Hanggang dumating ang sa aki'y laan.

josh=)

Feb 22, 2011

10:08 PM