
Noon, gustong gusto kong inihahalintulad ang sarili ko sa ulan. Medyo nakakapagtaka minsan kung bakit ito yung bagay na inihahalintulad ko sa sarili ko.Dahil kapag binaggit ang ulan, ito ay sumisimbolo ng pagluha. ang damdamin ay ulap na kapag ito ay mabigat na ibubuhos nito ang ulan. Madalas ganito nga ang ibig sabihin nito. Pero bakit ulan? Alam kong madalas sa akin ang umiyak. Pero hindi ito ang dahilan ko noon kung bakit ulan ang pinili ko.
Para sa akin, ang ulan ang isa sa pinakamatapang na bagay dito sa mundo. dahil ang ulan, kahit gaano man kataas ang mga ulap, hindi sya natatakot bumagsak. Matapang....Ang sakripisyong ibinabahagi ng ulan ay natatangi din. Kahit paulit ulit man bumigat ang ulap, kusa itong bibitiw upang gumaan ang dala dala nito. Mapagbigay...
Kung tutuusin, hindi naman alam ng ulan kung saan sya babagsak. Sa lupa ba? Sa mga halaman? Sa mga bundok? Sa mga Burol? Sa Karagatan? Hindi naman nya alam kung mayroong natatanging nilalang na sasalo sa pagbagsak nito. Maswete na lamang kung sa palad ito mismo babagsak. Pero madalas wala naman.
Sino bang nakakaalam kung natatakot ba ang ulan sa kanyang pagbagsak? Wala naman. Kasi wala namang may interest na malaman ito. At kung mayroon man, sasaluhin nya ba ito?
Ngayon, ulan parin ba ako? Nanaiisin ko paring maging tulad ng ulan na matibay ang loob pero sa mga bagay bagay na nagyari na sa akin? Natatakot na akong maging ulan. Kasi masakit pala yung pagbagsak na hindi alam ang babagsakan. Kasi ang hirap hirap bumagsak ng walang handang sumalo sa iyo. Kahit alam mong maraming bagay ang nariyan, hindi mo iyan maasahan na pagdating mo sa ibaba. Ilang beses ko na ring naranasan iyon. At hindi ko na siguro kakayanin ang susunod pa nito. . . Ngayon..ayoko muna ang ulan. Pero paroroon din at magiging karapatdapat na akong maging tulad ng ulan..
josh
October 16, 2010
12:20AM