Saturday, October 30, 2010

PANAHON

Hawak ko'y hindi magkamayaw na pagpipiglas

Ng damdaming pilit winawakas

Panahon ma'y sadyang lumipas

Puso'y umiibig pa rin ng wagas.

Kahit saan man ako'y magpunta

Alam kong ikaw parin ang sinta

Ikubli man ng mga kaganapan

Puso parin ang tunay na may alam.

Marami na rin ang nilakbay

At patuloy pang naglalayag

Marami narin ang nakasabay

At pati narin mga naghayag.

Alin man sa mga iyon

Hindi ko parin maramdaman

Ang pagmamahal na kailanman

Ako'y hindi pakakawalan

Mali man ang ako'y magtagal

At patuloy na balikan

Ng lugar na aking minamahal

Alam kong ako'y hindi pa pinagbibigyan

Sa mga dalanging matagal ng dasal

Pero buong puso ang aking pagtanggap

Na panahon lang ang makakayakap

Sa mga katuparan ng mga pangarap

At pagsagot sa mga hinahangad.

Hindi ko man mabitawan

Ang anino ng nakaraan

Alam kong kusa itong bibitawan

Sa panahong wala ninoman

Ang nakakaalam.

October 25, 11:56 PM

Josh