Matagal ka ng pag mamay-ari
Maaring hindi ka isinusuot palagi
Ngunit hindi ko sadyang akalain
Paa ko'y sasakit pa rin.
Ngayon ika'y isinuot
Ilang buwan ka ding nilimot
Heto't paa'y namamaga't mahapdi
Dahil ba ika'y isinantabi?
Wala sa lugar, ang iyong pagkasuot
Ilang milya din ang aking nilibot
Pabalik balik sa paglalakad
At hiniling na ikaw na'y mahubad.
Salamat at makakapag pahinga narin
Hinto muna sa mga lakarin
Upang bigyang preparasyon
Ang ating muling ekspedisyon.
Bukas, lalakad tayong muli
Ngunit ngayon daan ay piling-pili
Upang hindi na lumayo at mapagod
Dahil swelas ng sapatos ay malapit ng mapudpod.
-by josh
July 19, 2010
8: 00 PM