Sa limang buwan, maraing dumating, marami ding nawala. Lahat ng iyon mahalaga sa akin. Nakakalungkot na kahit gaano man kasaya ang isang tagumpay, ay nakakatakot naman ang kapalit na kalungkutan. Limang buwan. matagal na nga.
Masarap magmahal kung ang taong iyon ay mahal ka din. Pagmamahal na kayang hawakan kahit anong hirap man ang danasan. Pagmamahal na may paniniwala na makakaya ang lahat sa kahit anong pahirap ng bukas. Iyon ang pagmamahal na kilala ng puso ko. Ngunit kahit saan man ako magpunta, kahit kanino man ako lumapit, hindi iyon sadyang laan para sa akin.
Alam kong hindi lang minsan ko sinabing tapos na, pero ngunit hanggang ngayon ay naroon pa. Ngayon, sa ika limang buwan, ano nga bang masasabi ko pa? Hiling ko na lang ay lubusang paghilom ng sugat ng nakaraan. PAgpapatawad sa mga taong nakapanakit sa akin. Pagtupad sa mga pangakong nabitwan at pananatili sa pagmamahal at respeto na naialay.
Bukas? ano nga bang gagawin ko? Nais ko sanang magkaroon ng payapang pagiisip at payapang puso. Bukas uumpisahan ko na ang ipinangako ko sa sarili ko. Sana matupad ko. Alam kong sa ganitong paraan, babalik ako sa dating ako tatlong taon na ang nakakaraan.