Isang mainit na tasa
Ng likidong itim
At humigop ng taimtim.
Halika't bubuhayin ka
Ng mulat ang diwa
Buong magdamag.
Puno ng bagabag.
Halika't iyong tikman
Masaya ang may kainuman
Isabay ang kwentuhan
Ng mga bagay na may kabuluhan.
Ngunit sadyang sing pait
Kung usapa'y hinanakit
Mas gugustuhin pa ang maidlip
Upang pighati'y hindi sumilip.
Ngunit narito na
Espirito ng itim na likido
Kasama ang pait nito
Ito ba'y pagsisisihan ko?
Matulog, yan ang gusto ko
Pero ngayo'y ako'y iyong iyo.
Binalot mo ng buong buo
Ang puso't ulirat ko.
Lumalakas ang pintig ng puso
Ito ba ay dahil sa paglagok nito?
O di kaya'y guni guni lamang ito
Dahil tinatakasan ang totoo?
Ah! Ano man ang dahilan
Di na mahalagang malaman
Dahil ako ay mayroon ng natutuhan
Sa ating karanasan
Hindi na. Hindi na ako iinom pa.
Ng higit sa isang tasa
Hindi na. Hindi na malalasing pa
Ng iyong mapagkanulong aroma.
-josh=)
July 17, 2010
Isang tula na nagawa dahil hindi makatulog sa dami ng kapeng itinungga. =)