Tinuringan kang mataas
Sinusunod ng lahat
Ikaw na sadyang batas
Ng ninumang naghahangad.
Hindi ba't
Ikaw din ang aking naging batayan?
Ikaw na aking sinundan
Iyong mga panuntunan.
Hindi ba't
Ikaw ang aking gabay
Sa lahat ng hangarin sa buhay?
Ngunit bakit nagkaganyan?
Ako nama'y tumupad sa usapan?
Ikaw ay aking ginalang
At pilit na iningatan.
Ngunit bakit ako'y pinarusahan?
Anong paglabag ang aking nagawa?
Iyo bang akda'y hindi nasundan?
O di kaya'y minsan ang batas
Ay may sadya ding kapintasan?
Ako ba ay tunay na nagkamali
O akin lang napagtanto
Ang sukatan ang mali.
Nais ko sanang malaman
Alin ba ang tunay na
sinusundan?
Siguro nga'y nagkamali
Dahil ang batas na inakalang takda
Ay hindi naayon sa Kanyang akda.
Aking inakala na ang batas
Ang tunay na magliligtas
Sa akin hanggang sa wakas.
-josh
July 11,2010
12:48AM