Thursday, April 1, 2010

Masarap ang Kasama ka

Masarap sanang balikan,
ang tamis ng nakaraan
Kung ikaw ay nariyan
At patuloy ang pagmamahalan.

Masarat sanang yakapin
Ang bawat kislap ng bituin
Kung ikaw ay kapiling
At patuloy ang paglalabing.

Masarap sanang ngumiti
at pagmamahal ang mamutawi
Kung sa bawat dahilan ay ikaw
Ang sa puso ko'y pumupukaw.

Masarap sana kung tayo pa'y nagmamahal
Dahil kahit nahihirapa'y patuloy ang pagsugal
Na kung gaano man ang pagdaanan
Patuloy toyong lumalaban.


Masarap sana na kasama ka
Kahit malayo'y nadarama ka
Na kahit mga salita at pag-alala
Alam kong ikaw ay hindi mawawala.