Monday, April 12, 2010

labingdalawa ngayon, dalawang buwan na.

dalawang buwan na nga ang nakakalipas, marami na ang naganap att marami na din ang napagdaanan. kung susuriin, matagal na panahon na iyon para kumawala pero tila parang kahapon pa rin. akala ko ay ok na. akala ko ay kaya ko na. oo, kaya ko na pero nasasaktan pa. nabasa ko ulit yung usapan namin nung araw ng aming paghihiwalay. itinago ko iyon.akala ko hindi na ako iiyak. ganun pa rin pala. kapag binabalikan ang nakaraan, kapag nakakausap ang mga may kaugnayan, kapag may naririnig na tungkol sa kanya, kay bilis sumariwa ng sakit. para ba silang alcohol na nilagay sa isang sariwang sugat, mahapdi pa rin.

marami na nga ang nagbago kasama na doon ang tibok ng kanyang puso. mahirap tanggapin kung tutuusin, pero ito ay pilit kong tinatanggap. hindi lang para sa akin kundi para sa kanya. sumariwa sa akin ang mga salita nya nungkami ay naghihiwalay. realidad ang aming pinaguusapan. realidad kung aming makakaya na ipagpatuloy ang pagmamahalan. siguro nga'y sadang ganon may taong sumusuko upang takasan ang paghihirap. siguro nga'y kailangang magbigay daan upang sa sarili'y mapatunayan kung ano ba talga ang tunay na nararamdaman. maraming siguro. ang hindi ko alam kung tama ba lahat ng nangyari. kung kailangan ba talaga naming maghiwalay.

patuloy parin ang pagdarasal kasama noon ang lahat ng paraan upang makatayong muli.patuloy parin ang pag usad kahit gaano man ito kabagal. darating din ako doon sa panahon na masasabi kong ayoko na.tapos na.