
sa buhay ko? Sa buhay mo?
Tanong ko:
Ikaw na ba ang huling alas?
Hindi ko alam
Sabi mo alam mo
Kung ano tayo.
Hindi ko alam
Sabi mo alam mo
Sa pagdating ng panahon
Magiging tayo.
Nasasaktan parin ako
Pangako mo
Ang pagpawi nito
Hindi ko pa alam
Sabi mo alam mo
Magmamahalan tayo.
Hindi ko pa alam
Kasi malabo pa.
Sino ka? Sino ako?
Sa puso ko? Sa puso mo?
Ikaw na ba talaga
Ang huling alas ko?