Malapit na syang umuwi, sana sa kanang pag uwi, lahat ng naramdaman ko ay napawi na. Upang maluwang na ang aking pakiramdam at wala ng luha. Wala na sana akong planong magsulat pa ng tulad nito,kung hindi lang sa panaginip na ito. pero sa tingin ko, kailangan ko ding ilabas para hindi ko na iniisip ito sa buong maghapon. Luluwas pa man din ako ng maynila ngayon, sa lugar kung saan puno ang aming alalaala.
My Heart lives in the serenity of sincerity and in the beauty of fidelity... in the harmony of destiny...in the obedience of God's will...and in the essence of love. This blog narrates the things that come around and even the slightest idea that passes my mind, and that somehow touches my heart. This blog contains my expressions, ideas, interests and experiences...When I write, I write with my heart. -and this is "My Heart's Sanctuary."
Thursday, April 22, 2010
I Had a Dream
Naiinis ako sa panaginip ko ngayon. Bakit ganoon? Ano ibig sabihin non? Yhhh.. I am doing all my best to move on bakit nanaginip pa ako? Sa panaginip ko, narefresh sa akin yung nangyari sa amin.Sa panaginip ko, umuwi na sya at pinaramdam lang nya na hinding hindi na kami magkakaayos. Eh alam ko naman yon eh. Alam ko naman na uuwi na sya at alam ko din na wala na ring balak na magkaayos kami. Yun nga yung tinatanggap ko ngayon. At alam kong tanggap ko na. I was just surprised when I woke up today and I feel bad about it. In my dreams, I am crying. Sabi nila ang panaginip daw ay kasalungat ng mangyayari. Ibi ba sabihin nito na hindi na ako iiyak? O ang ibig sabihin ba noon ay magkakaayos kami? ewan ko. Minsan din naman, yung mga panaginip ko nagiging totoo. Hay, ano man mangyari, maluwag kong tatanggapin, para wala ng magkasakitan pa at wala ng pahirapan. Tama na iyong maging masaya ako na kahit minsan, naramdaman kong mahal nya ako at nakasama ko sya. Sa bagay, sa bawat sandali namang nakasama ko sya ay para na akong nabuhay ng matagal.Tama na lang siguro yung makuntento kung ano ipinaramdam at ibinigay ng Dios.