May sinabi si mama kanina na hanggang ngayon pumapasok sa isip ko. Alam ko nagmahal din sila ni papa ng isa pang anak kaya nararamdaman din niya ang nawalan. Ang di ko pa rin alam ngayon kung ano ang magiging pakiramdam ng Papa ko kapag nalaman nya ang tungkol sa amin. Di parin ako handang sabihin sa kanya. Alam kong mas higit na magdaramdam iyon kaysa kay mama. Nakakalungkot lang.
wala talaga akong mahusay na masabi ngayon. ang alam ko lang hindi ako makatulog. i feel empty. nalulungkot ulit ako. parang lumilipad ang isipan ko. hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat kong gawin, na kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman. kasi parang lahat ng tao kasi nakapagmove na, ako na lang talga ang hindi. mabagal ang pag-usad ko kumpara sa iba. Malalim kasi ang ibinagsak ko kaya ganon kasakit at kahirap pang tumayo. Ang alam ko lang, sinisikap ko pa rin kahit gaano man yon kahirap. Piniplit ko parin matulog kahit sa pag-idlip parang wala paring pahinga ang nararamdaman. hapong-hapo na. Lagi ko lang dasal sa sana bukas, matapos na ito. Kung wala na rin lang pag-asa pa na ako'y balikan, sana ipagkatiwala na lang sa akin ng MayKapal ang kakayahang magpatuloy ng walang pag-aalinlangan. Ayoko na kasing umasa dahil alam ko na na wala na talaga.
sana makatulog nako ngayon, ngayong nailabas ko na itong gumugulo sa akin.pero di ko parin alam kung nasabi ko na ba talga lahat o kung magkakatugma ba lahat ng mga sinabi ko.basta malaya lang na lumabas lahat ng yan...