Tuesday, April 20, 2010

Ang Mananalakay

Isang multo, ang turing sa iyo.
Minsa'y nandyan, minsa'y wala.
Minsa'y nananakot, minsa'y nanunuyo.
Ano ba talaga ang iyong sadya?

Mananalakay, ikaw nga
Sa gitna ng kawalan
Bigla kang dumaan
Iyong tinangay ang pusong sugatan.

Multo't mananalakay,Iisa ka lang
Sa pagdating mo'y hindi mawari ang dahilan
Ano nga ba ang iyong pakay?
O ikaw ba ay sadya lamang na mananalakay?


April 19, 2010