Paunti-unti, tinuturuan ko ang sarili kong magpalaya... tinuturuan kong lumimot. .tinuturuan kong maging mas matatag...at tinuturuan kong maging masaya. Paunti-unti, ako'y nagpapagaling. Walang mabilisang lunas para sa pusong nasugatan. Maaring mababaw ako pagdating sa aking emosyon.Maaring sabihin ninyo na mahina ako. Maaring tawanan ninyo ako dahil paulit ulit akong nagiging bigo. Maarin. Pero wala ninuman, ang makakaintindi sa akin kung bakit ganito ako nasasaktan kung hindi ang taong minahal ko. Dahil alam nya, kung gaano ko siya minahal...at alam nya kung ano sya sa buhay ko. Kahit punti-unti.kahit araw araw ay may luha pa rin. Kahit bawat minuto ay naroon ang hapdi...alam kong nararamdaman ko ito dahil alam ko at nararamdaman ko kung gaano ako tunay na nagmahal. Siguro nga, mali ang magmahal ng sobra-sobra, siguro nga. Ngunit, sino ba ang tama? Alam ko naman kung nasan na ako ngayon, kung ano na ako ngayon...pero ang hindi ko lang alam kung kailan mawawala lahat ng sakit ng nararamdaman ko.
Nahihiya ako. OO, nahihiya akong aminin sa lahat, lalo na ng mga taong alam nila kung gaano ko sya kamahal. Nahihiya akong malaman nila, na ako'y ibinasura na lang. Alam kasi nila kung gaano ko sya ipagmalaki. Alam kasi nila kung gaano ko sya kamahal. Pero, sadya atang hindi naitatago iyon,. Kahit wala pa akong binabanggit, nararamdamn pala nila.
Sabi kanina, "Bakit nagbago daw ako. Bakit hindi na daw ako yung dating si Josh.?" Ang tanong ko, "Bakit, ano bang nagbago sa akin?" Ang sabi nila, hindi na daw ako yung dating masayahin. Lagi daw akong malungkot.Tahimik. Kung alam lang kasi nila, kung gaano ako nsasaktan, kung gaano ako nalulungkot. Minsa, nagagawa ko ding makisama, makisaya, pero dama din nmn nila na hindi iyon buo. Parang pagpapanggap lang.Panandaliang saya. Kasi, sa dulo non, nandon parin yung pait ng iniwanan. Basta ganon. Masakit parin kasi.
Ngayon, maaring hindi pa naghihilom ang sugat. Nandoon pa rin yung hapdi. Maaring, hindi pa ako gaanong handa. Pero araw-araw, sinusubukan ko. Sinasabi ko lahat kahit sa blog lang na ito, lahat ng nararamdaman ko. Hindi para kaawaan o tawanan ng iba, kundi para mailabas ko lahat lahat. Para matulungan ko ang sarili ko. Hanggang sa ako mismo ang mapagod.Tulad lang din ng pag-iyak, iyak lang ng iyak, hanggang sa wala ng mailuha. Ok lang naman masaktan, normal lang naman ang umiyak...kasi nasaktan ako eh..and that goes deeper. Sana, patuloy kong dinadasal, na magin akong tulad nya. Nakalimot na. Sana kaya ko ding
itapon lahat ng pagmamahal na ito... Sana dumating na yung bukas na hinihintay ko... yung bukas na paggising ko ay hindi ko na hihilinging matulog ulit.