Thursday, March 11, 2010

A special day on my own

Monthsary sana namin ngayon. 15 months na sana kami kung kami pa...special sana sya sa aming dalawa pero ngayon, ako na lang ang nakakaalala. ang saya sana. ngunit napapalitan ito ng lungkot dahil maaalala ko din na wala na pala akong kasama na pahalagahan ito. ngayon, ang tanging natira ay isang buwang alaala ng paghihiwalay. masakit pa rin. ganoon pa rin. parang kahapon lang. sana di na lang nangyari. sana kami pa. sana di nalang nya pinili. sana masaya kong naibabalita sa kaya mga bagay na importante sa akin. sana nararamdaman ko yung saya sa pagkamit ng lahat ng tagumpay sa buhay. sana hindi pa rin sya nagbabago sa nararamdaman nya sa akin kahit ganito na kami ngayon kasi walang nagbago. ako patin yung nakilala nya at minahal nya. kailangan ko lang hayaan sya at tiisin lahat ng ito kasi alam kong iyon ang gusto nya. ganito pala kapag ang alam mo sa pagmamahal ay iyong marunong magparaya at umunawa. ganito pala palagi kapag marunong kang magmahal, lahat tinitiis para makita lang syang masaya. ganito din pala ito kasakit.

ngayon ko lang naranasan ito, na punong puno ako ng problema at kasama non ay sobrang labo ng daan na tinatahak ko. ngayon ko lang din naramdaman na parang sasabog ako. at ngayon ko lang din naramadaman ang tunay na nawalan. ganon pala iyon kapag masyado kang nagmahal. minsan mararamdan na bakit madaya ang pagkakataon? bakit ganito? bakit ganon? pero sa kabila ng lahat, ayoko paring bumitaw. nilalabanan ko parin ang laban na ipinangako ko sa kanya, kahit ako na lang. kaysa naman pareho kaming bumitaw. alam ko kailangan lang nya ng panahon at pang unawa. hindi nya kailangan ng isa pang taong magpapahirap sa kanyang sitwasyon. ayokong gawin iyon. ayoko syang nahihirapan. ayoko syang nasasaktan. ang labo ano? ang labo ko? pero alam kong hindi. kasi alam kong malinaw pa rin ang paniniwala ko sa aming pagmamamahal at pinagsamahan. alam kong kailanman walng kayang pumatay noon. alam kong hindi lahat ay nakakahanap ng taong magmamahal sa kanila at mamamhalin din sila. alam kong minsan lang dumating sa buhay iyon.

tanga ba ako? siguro nga. pero ganon pa rin yon. wala namang tama at matalino sa pagmamamahal. pag matalino ka, at hindi puso ang ginamit mo sa relasyon mo sa isang tao, wala iyong saysay. kapag sarili lang ang inisip mo, hindi ka magiging masaya. alam ko lahat ng ito. wag nyong sabihing bata pa ako. 23 na ako. marami na rin akong naranasan sa buhay ng higit pa sa naranasan ng mga kasing edad ko.

ngayon, march 11, 15 months ko na syang minamahal. ngayon din nalalapit ang aking kaarawan. isa lang naman ang hiling ko. alam na iyon ng Diyos. At handa akong maghintay kung kailan nya iyon ibibigay. kahit sa susunod na kaarawan ko..kahit sa susunod pang mga taon..basta alam kong ibibigay nya iyo. maghihintay ako. patuloy parin ako kung sino ako at kung ano ako. patuloy parin akong magtitiwala at magmamamahal.

Naniniwala ako sa kanya. Hgit kanino man, alam ko kung ano nararanasan at nararamdaman nya. Magbest friend nga kami diba? Alam ko kung gaano kahirap. Alam ko din na kahit nagpapakasaya sya at ineenjoy nya ang lugar nya, alam ko sa bawat gabi, nararamdaman din nya kung gaano kasakit. Alam ko yon. kasi alam ko, sa pagmamamahal namin, hindi lang nmn ako ang nagmahal, alam ko ding totoo nya akong minahal.At alam kong ang pagmamahalan namin ay hindi kayang pawiin ng ganon ganon na lang.

Siguro, kailangan nya lang talga na bumitaw, para sa susunod, matututo na syang humawak ng mahigpit. Siguro kailangan lang nyang mawala, para sa susunod, hinding hindi n nya iyon gagawin. Siguro kailangan lang mangyari itong lahat,para sa susunod, marunong na kaming magpahalaga. Tama sya, panahon lang ang makakapagsabi kung para saan lahat ng ito. Sana sa pagdating ng panahon na iyon, pareho kaming masaya, at alam kong magiging masaya kung pareho naming matatagpuan ulit ang isa't isa.