Monday, March 1, 2010

Paano

Paano ba ipakita sa lahat na OK lang ako kung alam kong hindi yon totoo? Paano ba papatunayan na kaya ko pa kung sa bawat araw nanghihina na ako. paano ba maging malakas kung sa bawat oras ay nakikita kong umiiyak ang sarili ko? Paano ba maging matatag kung ang bawat magandang nangyayari sa buhay ko ay laging may kapalit na sakit at kabiguan? paano ba maging masaya kung alam kong ang tanging dasal ko ay binawi na? paano pa ba magmamhal kung sa bawat tibok ng puso ko at nasasaktan ako? Paano pa ba magtitiwala kung sa bawat hawakan ko ay binibitawan ako? Paano pa ba ako magsisimula kung ang lahat ng pangarap ko ay bigla na lang naglaho? Paano pa ba mangarap kung ang pinapangarap mo ay hinding hindi mo na makakamit pa? Paano pa ba maghihintay kung alam kong wala akong hinihintay? Paano pa kung wala kana?