Wednesday, March 3, 2010

A kiss to death.

I hate it when I cry. I hate it when I am alone. I hate it cause it reminds me I am still broken. Ayoko na. ayoko ng umiyak..ayoko ng nasasaktan ako. Ayoko ng nakikita ang sarili ko ng ganito. Bakit kahit anong gawin kong paglaban sa nararamdaman ko hindi parin ako makawala sa pagmamahal na ito? Bakit kahit ilang beses nyang ipamukha sa akin sa akin ang sitwasyon at ang desisyon nya, umaasa pa rin ako? Bkit kahit ilang ulit ko mang kalimutang nasasatan ako iton parin ang nararamdaman ko? Bakit?!!!! Tinatanggap ko na diba? tinatanggap ko ng wala na sya? Pero bkit ganito? Bakit ako lang ang nasasaktan? diba kaming dalawa ang nagmamahalan? pinapadama lang niya na wala akong halaga.na kahit sino kayang kaya akon iwanan.. Akala ko mahal nya ako. Hindi pala...hindi ganon kalalim at katibay. dahil hindi nya ako sasaktan ng ganito at hahayang magkaganito kung mahal niya ako.

Lord, ayoko na. kung hindi na nya ako babalikan, turuan mo akong maging masaya ulit. kung hindi na sya babalik, turuan mo akong maging malakas. turuan mo akong tanggapin ang sakit. Lord, heal my heart. Help me in my battle kasi hirap na hirap na ako. Turuan mo kong sumuko na. Lord, please, carry me now. Gusto ko ng sumuko sa lahat ngbagay. dahil pagod na pagod nako. Heal my heart. Bless my soul. Take my life. I want to rest in your arms.