Saturday, March 13, 2010

Isang araw nanaman

Isang araw na naman ang nakalipas, mabigat at may luha pa rin. Hindi pa rin nagbabago. Ganoon pa rin. Ang ipinagkaiba lang, ngayon patago na lang. Yung hindi nakikita ng iba. At mas mahirap. Kasi kailangan mong itago lahat ng nararamdaman ko. Isang buwan na nga ang nakakaraan, isang buwan na rin akong parang dahon na nililipad na lang ng hangin..sumusunod kung saan ako mapadpad. Isang buwan na rin mula ng nawala sa akin ang taong pinahahalagahan at minamahal ko. Isang buwan na nga, pero parang kahapon lang.

Madalas, anu-ano ang pumapasok sa isipan ko. Lumilipad. Nag-iisip. Nag-aalala.Naguguluhan. Anu-ano na rin ang nararamdaman ko. Nasasaktan. Nalulungkot. Nanghihina. Nangungulila. Minsan nakakasawa na rin. Kaya anu-ano na nga ang ginagawa ko para matakasan lang ito...minsan nagmumukha na nga akong tanga. tulad ngayon, kausap ko nanaman ang computer ko. umiiyak na lang bigla. Kapag nasa sasakyan, mapa san fdo lang, quiapo, o sa bus papunta sa grad skul at pauwing pampanga. sa simbahan, nagmamakaawa sa Kanya at umiiyak parin. Wala pa atang araw na hindi ako umiyak mula ng manyari sa amin ito. Kung katangahan ang masaktan dahil nawalan ka ng taong minamahal; kung katangahan ang umasa na sana bumalik sya; siguro nga tanga ako.

Kanina, nalaman ko na ang mga nalalapit na mga importanteng araw sa buhay ko maliban sa aking kaarawan, ang nalalapit na pagtatapos. Masaya. Pero bakit sa kabila nito, may nakakapa akong kulang. Hindi ko na itatanong kung ano iyon dahil alam ko kung ano. damang dama ko. Sana kasama ko syang nagsasaya. sana masaya kong naririnig na masaya sya para sa akin. Sana nararamdaman ko na proud sya sa akin. Pero alam kong suntok sa buwan na lang lahat ng mga ito.


Ilang beses ko na ring gustong palayain ang sarili ko sa sakit ng nararamdaman ko, kasi sobrang apektado na ako. Ilang beses ko na ring tanggapin na ganito talga ang kapalaran ko. Ilang beses ko naring tumigil umasa. diko narin mabilang kung ilang beses ko na itong nasabi sa mga blogs ko. Marami na, paulit ulit na nga lang. Pero ilang beses ko ding dapat maintindihan na hindi ganon kadali ang lahat. Para sa isang taong puno ng pagmamahal at sa taong totoong nagmahal, hindi iyon madali. Mahirap lalo pa na kung pangarap at kaligayahan mo ay iisa; ay mawawala na lang. Mahirap bumitaw sa pangakong isinumpa kasama ng mga panalangin, na patuloy kang lalaban.

Ngunit alam ko, ako lang naman nagpapahirap sa sarili ko eh. Ako lang naman ang nandito. Ako lang din magpapalaya sa nararamdaman ko. Wala sa mga taong nakapaligid sa akin, at wala din sa kanya. OO nga, wala na din sa kanya, kasi wala na rin ako sa puso nya. Isang bagay lang naman yan, hindi ka pababayaang maghirap at patuloy na masaktan ng isang taong nagmamahal sa iyo. Di ba't iyon ang huling bgay na gugustuhin nilang mangyari? Pero kapag hinyaan na, kapag binalewala na...ibig lang sabihin non wala ka na. Ito nga ang pilit kong isinasampal at ipinamumukha sa sarili ko. Baka sakaling magising ako.

Naniniwala ako, na ang pagmamahal ay hindi marunong tikisin ang taong minamahal. Hinding hindi. Kaya dapat kailangan ko ng tanggapin na hindi na niya ako mahal. Masakit. walang kasing sakit. Ito na ang pinakamasakit na nangyari sa loob ng 23 taon sa buhay ko. Sana makaya ko pa. sana malagpasan ko kasi pagod na pagod na ko. Gusto ko ng magpahinga.


Madaya sya. Alam kong maraming bagay doon, kung nasaan man sya ngayon, ang magtuturo sa kanya upang makalimot. Baka nga limot na nya ako. Maraming gimikan, maraming inuman, maraming kasiyahan, maraming babae.lahat ng yan, pwedeng maging paraan para mawala na ako ng tuluyan. Kung ganon man, dalangin ko na lang ang maging masaya sya.

Mahal ko pa rin sya. Sa bawat araw, siya parin yung hinhintay ako.Umaasa na babalikan nya ako. Alam kong imposible na yon.tulad ng sabi ko, tanga lang talga ako. Sa pinapakita at pinapadama nya sa akin, natutunan ko ang halaga ko. Kailangan ko lang talagang matanggap ng buong buo dito sa aking puso na wala na talaga... iniwan na nya akong nag-iisa. Oo, mahal ko pa sya, at tulad ng sabi ko, pinapalaya ko na sya. Kaya ngayon, sana mapalaya ko na rin ang sarili ko. Sana matuto ulit akong maging malakas at matutong magmahal. Sana balang araw, sa susunod na pagkakataong, ipagkakatiwala ko ang puso ko, doon sa taong tunay na mamahalin ako. Kasi ayoko ng paulit ulit mamatay.